Partner ni Jamir Garcia, nagbigay na ng mensahe ukol sa pagpanaw ng 'Slapshock' frontman

- Naglabas na ng mensahe ang live-in partner ni Jamir Garcia na si Sojina-Jaya Crisostomo ukol sa pagkamatay ng lead vocalist ng 'Slapshock'

- Sa mensahe, sinabi nito kung gaano niya kamahal si Jamir at handa raw siyang ipaglaban ito habang buhay

- Sinasabing si Crisostomo ang ang nagdala pa sa ospital kay Garcia sa pagbabaka-sakaling maisalba pa ang buhay nito

- Kinumpirma ng pulisya ang pagkamatay ng bokalista ng Slapshock bandang 11:30 ng umaga ng Nobyembre 26

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ilang oras matapos na umugong ang pagkamatay ng frontman ng bandang 'Slapshock', naglabas na ng post at mensahe si Sojina-Jaya Crisostomo para sa partner nitong si Jamir Garcia.

Sa kanyang Facebook post kasama ng larawan niya at ni Jamir, ipinahayag ni Crisostomo ang pagmamahal niya sa yumaong bokalista ng nasabing heavy metal band ng bansa.

Raquel Pempengco, naglabas muli ng ebidensyang taliwas sa mga paratang ng ina

"Mahal na mahal kita, hanggang sa muli asawa ko.. ipaglalaban kita habang nabubuhay ako. Pahinga ka na," emosyonal na pahayag ni Crisostomo para kay Garcia.

Nalaman ng KAMI na bandang 11:30 ng umaga noong Nobyembre 26 nang kumpirmahin ng Quezon City Police District, Talipapa Police Station 3 ang pagkamatay ni Garcia.

Natagpuan itong walang buhay sa kanyang tahanan bandang 9:20 ng umaga ng parehong araw.

Nadala pa umano ni Crisostomo si Garcia sa Metro North Medical Center sa pagbabaka-sakaling maisalba pa ang buhay nito subalit idineklara na agad ng doctor na "dead on arrival" na ito.

Samantala, nagpaabot naman ng pakikiramay ang mga kaibigan at fans ng lead man ng "Slapshock" na labis na nalungkot at nagulat sa biglaang pagkawala ng kanilang idolo.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

Jamir Garcia ng Pinoy heavy metal band na Slapshock, pumanaw na sa edad na 42

"Tight hugs, Jaya. Praying for you and the kids at this very sad and difficult time."

"Our thoughts and prayers are with you and your family during this time. Our deepest condolences."

"We’ll pray for my bro Mare ko, matatag ka at alam ni Jamir ‘yan, kailangan ka niyang magpakatatag pa lalo na sa ngayon at para sa mga bata, nandito lang kami kahit na anong oras para sa inyo.. yakap at pagmamahal"

"Nabigla ako na wala na si Jamir lakasan mo ang loob mo at isipin mo lagi na may Tatlo kapang anak na kailangan nila ang gabay mo na ngayong wala na ang daddy nila at isipin mo na ang ating buong Pamilya ay nasa likod mo lagi"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Vladimir "Jamir" Garcia ay ang frontman ng heavy metal band ng bansa na "Slapshock." Kinabibilangan din ito nina Chee Evora, Lean Ansing, Jerry Basco, Clarison Requiroso at Lee Nadela.

Boyfriend ni Kiray Celis, nag-viral dahil sa nakakakilig na grad photos

Sila ang nasa likod ng mga kantang 'Agent Orange', 'Cariño Brutal', 'Wake Up' at 'Anino Mo.'

Kamakailan ay aminado ang banda na dala ng pandemya ay humarap sila sa maraming pagsubok na naging daan upang sila ay magkawatak-watak matapos ang 23 na taon sa Pinoy music scene.

Ilan sa mga agarang nagpaabot ng mensahe ng pakikiramay sina Kean Cipriano at Chito Miranda, gayundin ang ilan pang miyembro ng mga sikat ng banda sa bansa na nakasama si Garcia.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Related news