Super Tekla, proud sa unang anak na nagawa siyang ipagtanggol sa mga bashers

- Laking pasalamat din ni Super Tekla sa kanyang panganay na anak na si Aira na nagawa siyang ipagtanggol sa kanyang mga bashers

- Sa edad daw nitong 12, maayos daw nitong nadala ang mga ibinabatong masasakit na salita sa laban sa ama

- Aminado man si Tekla na marami siyang naging pagkukulang sa anak, ngunit napanatili pa rin niya ang maayos nilang samahan bilang mag-ama

- Ito raw ang isa sa mga pinaghugutan niya ng lakas na mapapaglabanan niya ang mga pagsubok na dumaraan sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa huling bahagi ng panayam ni Ogie Diaz sa kontrobersyal na komedyante ngayon na si Super Tekla, nabanggit nito kung gaano siya ka-proud sa panganay niyang anak.

Nalaman ng KAMI na ang tinutukoy ni Tekla ay ang anak niyang si Aira sa una niyang naka-live in na si Airyn.

Bulag na sinaktan at pinagtangkang nakawan, binigyan ng negosyo ni Raffy Tulfo

Ayon kay Tekla, nagulat siya sa kung paano dinala ng kanyang anak ang mga ibinabatong paratang sa kanya.

Naikwento nito kay Ogie na ipinagtatanggol siya ng kanyang anak sa mga bashers lalo na noong panahong hindi pa siya naglalabas ng kanyang pahayag tungkol sa isyu.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Sa edad daw kasi na 12, tila nauunawaan na nito ang mga bagay-bagay at doon mas lalo niyang nadipensahan ang ama na siyang pinaniniwalaan niya sa mga nangyayari.

Nabanggit din ni Tekla na malaking bagay ang pagpapalaki ng maayos ng kanyang dating live-in partner sa kanilang anak gayundin ang mga pangaral ng lolo at lola nito dito.

Aminado kasi siyang marami siyang pagkukulang kay Aira subalit nanatiling maayos ang samahan nila bilang mag-ama.

Dahil sa ipinakitang talino at katatagan ng anak, iyon daw ang isa sa pinaghugutan ng lakas ni tekla upang malabanan ang mga pagsubok na dumating sa kanya.

Kabit, napaluhod sa pagmamakaawa sa misis na ipakukulong na siya at mister nito

Narito ang kabuuan ng video mula sa YouTube channel ni Ogie Diaz:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Noong nakaraang linggo ay binulabog ni Michelle Bana-ag ang publiko tungkol sa mga akusasyon nito kay Tekla na nagawa raw siyang gawan ng mga kababuyan.

Agad namang dinipensahan si Tekla ng mga taong malaalpit sa kanya na mas nakakakilala sa kanya tulad ng kanyang kapatid na si Alex Librada.

Gayundin ang una niayng kinasama na si Airyn Gonzales na pinabulaanan ang mga paratang ni Michelle lalo na at hindi naman daw niya naranasan sa loob ng mahigit 8 taon nilang pagsasama ni Tekla.

Si Romeo Librada o mas kilala bilang si Super Tekla ay isa sa mga komedyante ng GMA 7. Una siyang nakilala bilang co-host ni Willie Revillame sa Wowowin kung saan nakasama na niya si Donita Nose. Ngayon, may YouTube channel na sila nito na "Donekla in Tandem."

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Related news