Tekla, minabuting hindi na kasuhan ang dating live-in partner

- Hindi na naisipan pang kasuhan ni Super Tekla ang dating live-in partner na si Michelle Lhor Bana-ag

- Ito ay sa kabila ng pag-uudyok ng marami na turuan ng leksyon ang dating kinakasama na bumato ng maraming akusasyon sa kanya

- Minabuti na raw ni Tekla na manahimik dahil natapos na raw ang kontrobersiya lalo na at nagkausap na sila at nagkaroon pa ng kasulatan patungkol na lamang sa kanilang anak na si Baby Angelo

- Samantala, tila ang kanyang dating live-in partner ang labis na nadidiin ngayon lalo na nang umatras na si Raffy Tulfo sa pagtulong sa kanya sa paghihinalang maaring gumagamit pa rin ito ng ipinagbabawal ng gamot

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos na magkausap at magkaroon ng kasunduan patungkol na lamang sa kanilang anak, pinili na lamang daw na mag-move on ni Super Tekla.

Raffy Tulfo, umatras na sa pagtulong sa live-in partner ni Tekla; mga tests, di na rin itutuloy

Nalaman ng KAMI na marami sa kanyang mga kakilala at mga kaibigan ang nagsasabing kasuhan ang dating kinakasama na si Michelle Lhor Bana-ag ngunit tinanggihan na lamang ito ng komedyante.

Ayon sa ulat ng Bandera, marami ang nagpapayo kay Super Tekla na turuan ng leksyon si Bana-ag lalo na at sandamakmak ang akusasyong ibinato nito sa kanya na labis niyang ikina-stress.

Subalit sa pinakahuling Facebook post ng komedyante, ipinagpasalamat na lamang niya sa Diyos at sa lahat ng mga kaibigan sumuporta at naniwala sa kanya at natapos na agad na isyu.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

"Salamat sa lahat ng sumuporta at magtiwala hindi ko na kayo Maisa isang lahatpipilitin kung bumangon at magsimula nanaig na ang katutuhanan," ang bahagi ng post ng komedyante.

Nanawagan din siya mismo sa publiko na tigilan na ang pamba-bash kay Bana-ag at sa pamilya nito.

Donita Nose, nakiusap na tigilan na ang pag-bash kay Michelle Bana-ag

"Mas pinili ko ang forgiveness kaysa sa puot natapos na ang unos at pagsubok let’s forget and forgive," dagdag pa niya.

Base sa ulat ng PhilStar, nasabing sisikapin umano ng komedyante na bumangon sa kontrobersiyang ito na agad namang nasolusyunan sa tulong ng mga tamang tao na namagitan sa isyu.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, habang unti-unti nang nakaka-move on ang komedyante, tila ang kanyang dating ka-live-in ang namomroblema ngayon.

Una na rito ay dahil sa umatras na si Raffy Tulfo sa tulong sanang ibibigay sa kanya dahil sa biglaang pagbabago ng isip nito na magpa-lie detector test at magpa-drug test na siya naman ang naghamong gawin.

Lumalabas na tila mayroon pa raw itong itinatago at malaki ang posibilidad na gumagamit pa rin umano ito ng ipinagbabawal na gamot.

Tekla at live-in partner, nagkausap na; Michelle Bana-ag, itutuloy pa rin ang mga tests

Maari ring mapasa-kamay pa ni Tekla ang kanyang anak, sakaling lumabas sa assessment ng DSWD na walang kakayanan si Bana-ag na mag-alaga kay Baby Angelo dahil sa di umano'y pagbibisyo nito.

Si Super Tekla ay si 'Romeo Librada' sa totoong buhay na isa sa mga kilalang komedyante ng GMA. Bahagi siya ng 'The Boobay And Super Tekla Show' at naging co-host din siya ni Willie Revillame sa Wowowin kung saan nakasama niya si Donita Nose. Sa ngayon mayroon na silang sariling YouTube channel ni Donita Nose na "Donekla in Tandem."

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Related news