Kasamahan ni Tekla sa comedy bar, ipinagtanggol si Tekla laban sa kinakasama nito

- Bukod sa mga nauna nang nagsalita upang ipagtanggol si Tekla, isang dating kasamahan nito sa comedy bar ang nagbahagi ng kanyang saloobin

- Ayon sa kanya, nasaksihan niya kung paano tinrato ni Tekla ang live-in partner nito na si Michelle

- Ayon pa sa kanya, sa kabila ng pagkakaroon ng karelasyong babae ni Michelle, tinanggap umano ito ni Tekla

- Naging hot topic sa social media sina Tekla at ang kinakasama nito matapos nitong ireklamo ang komedyante sa programa ni Raffy Tulfo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Patuloy na dumarami ang lumalabas na espikulasyon tungkol sa diumano'y totoong ugali ng kinakasama ng komedyanteng si Super Tekla na nakilala sa pangalang Michelle.

Ito ay matapos niyang isapubliko sa pamamagitan ng programang Raffy Tulfo in Action ang umano'y reklamo niya laban kay Tekla.

Gayunpaman, habang tumatagal, dahil sa mga inilabas na mga testimonya ng ilang taong nakasama ng komedyante, unti-unting nabaling ang simpatya ng publiko kay Tekla.

Rowell Quizon to Michelle Bana-ag: "Mahal ka ni Tekla kahit abusado ka!"

Ilan lamang sa mga nagsalita para ipagtanggol siya ay ang kaibigan nitong si Donita Nose, Ogie Diaz at maging ang manager nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Isang kasamahan ni Tekla sa comedy bar na si Rowell Quizon ang nagpahayag ng kanyang suporta sa komedyante. Ibinahagi niya ang kanyang nasaksihan umano kung paano pinahalagahan ni Tekla si Michelle.

Ibinahagi niya rin ang isang pahayag ng isang kasamahan pa nila na manager umano ng comedy bar na kanilang pinagtrabahuhan. Nakasaad sa nasabing post na diumano ay ginamit ni Michelle ang telepono ni Tekla nang hindi nito alam upang makapangutang ng pera sa kanya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Si Super Tekla ang isa sa mga sikat na komedyante ng GMA network. Dahil sa angking galing sa pagiging isang stand-up comedian, naging bahagi siya ng programang 'The Boobay and Tekla Show' at maging ng patok na Kapuso variety and game show na "Wowowin".

Nagrereklamong live-in partner ni Tekla, handang magpa-drug test at lie detector test

Matatandaang matapos magsalita ng ilang tao na malapit kay Tekla, naglabas ng kanyang panig ang komedyante. Pinasinungalingan nito ang paratang ni Michelle.

Upang mapatunayan na totoo ang kanyang mga alegasyon, handa umano siyang sumailalim sa lie detector test at pagsusuri kung siya ay gumagamit pa ng pinagbabawal na gamot.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Related news