Rowell Quizon to Michelle Bana-ag: "Mahal ka ni Tekla kahit abusado ka!"

- Naglabas na rin ng saloobin ang nakakasama noong performer ni Super Tekla sa dating pinapasukan nitong comedy bar

- Saksi raw noon pa man si Rowell Quizon kung gaano kamahal ni Tekla ang live-in partner nitong si Michelle Lhor Bana-ag

- Halos tagasalo pa umano ni Michelle si Tekla ng di umano'y mga pinapasok nitong gusot

- Sinabi rin ni Rowell na tila mali ang desisyon ni Michelle na lumapit ito kay Raffy Tulfo dahil lalo lang daw nitong idiniin ang kanyang sarili

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isa si Rowell Quizon, isang singer at performer na nakakasama noon ni Tekla sa comedy bar ang naglabas na rin ng kanyang pahayag patungkol sa isyu na kinasasangkutan ng komedyante.

Nalaman ng KAMI na isa si Rowell sa nakasaksi kung gaano raw pahalagahan ni Tekla ang ngayo'y nagrereklamo niyang live in partner na si Michelle Lhor Bana-ag.

Tekla, maraming babayarang gamit sa condo dahil sa di umano'y mga naibenta ng live-in partner

Ayon sa Facebook post ni Rowell, siya mismo ang nakakakita noon ng pag-aaruga ni Tekla kay Michelle.

Sa kabila raw kasi ng pagiging 'boyish' nito ay tinanggap ito ni Tekla ng buong-buo.

Taliwas sa sinasabi ni Michelle na ginugutom daw sila ng komedyante kung hindi niya ito napapagbigyan sa kanyang kahilingan, narinig pa mismo noon ni Rowell na tinawagan ni Tekla ang kinakasama kung ano ang gustong pagkain pag-uwi nito.

"Hindi nagkulang si Tekla sa'yo, abusado ka lang!" ang maanghang na pahayag ni Rowell kay Michelle.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ilang gusot na rin daw kasi ng babae ang sinalo ni Tekla para lamang di ito maipit sa gulo at upang manatiling masaya raw ito.

Ayon pa kay Rowell, isa raw malaking pagkakamali na dumulog pa si Michelle sa programa ni Raffy Tulfo dahil lalo lamang daw nitong inilalaglag ang kanyang sarili.

Donita Nose, ipinakita ang kasalukuyang sitwasyon ni Tekla sa gitna ng kontrobersiya

Isang mainit na usapin ngayon sa showbiz ang kontrobersiyang kinasasangkutan ni Tekla matapos na ilabas ng live-in partner nitong si Michelle Bana-ag ang mga pasabog patungkol sa kung paano siya itrato ng komedyante.

Matapos ito, marami-rami na ang naglabas ng kanilang saloobin sa isyu at pawang pagdepensa sa mga paratang ni Michelle laban kay Tekla

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Isa na rito ang dating kinasama ni Tekla na halos hindi makapaniwala sa mga nalamang pahayag ni Michelle. Hindi naman daw umano niya ito dinanas sa walong taong pagsasama nila noon ng komedyante.

Gayundin ang kapatid nitong si Alex Librada na masasabing isa raw sa mga tunay na nakakakilala kay Tekla dahil kasama na raw niya ito mula pagkabata. Likas na mabuting tao raw ito noon pa man.

Si Tekla ay isa sa mga komedyante ng GMA. Minsan na siyang nagkaroon ng programa na "The Boobay and Tekla Show". Ngunit ngayon, ang madalas na niyang makasama ay si Donita Nose sa kanilang vlog na Donekla in Tandem channel.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Related news