Mayor Isko, iginuhit ng isang portrait artist sa Rizal para sa kanyang kaarawan

- Isang mahusay na portrait artist sa Rizal ang naisipang iguhit si Mayor Isko Moreno para sa kaarawan nito ngayong Oktubre 24

- Kuhang-kuha nito ang lahat ng anggulo ng mukha ng ipinagmamalaking alkalde ng Maynila

- Bukod sa handog na painting, hiling din niya ang mabuting kalusugan sa alkalda at sa pamilya nito

- Sa huling update ng artist sa KAMI, napansin daw mismo ni Mayor Isko ang kanyang obra at nais siya nitong mapasalamatan ng personal

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ng isang mahusay portrait artist na si Rhanie Roque ng San Mateo, Rizal ang napakagandang obra kung saan iginuhit niya ang alkalde ng Maynila na si Mayor Isko Moreno.

Naalaman ng KAMI na ginawa ito ni Rhanie bilang handog niya sa alkalde sa pagdiriwang nito ng kaarawan ngayong Oktubre 24.

Kuhang-kuha ng artist ang bawat anggulo ng mukha ng alkalde ng Maynila na litaw na litaw sa charcoal painting nito.

Kasamahan ni Tekla sa comedy bar, ipinagtanggol si Tekla laban sa kinakasama nito

Bukod sa napakagandang obra, hiling din ni Rhanie ang mabuting kalusugan kay 'Yorme Isko' at sa kanyang pamilya at nawa ay ipagpatuloy pa rin nito ang maayos na pamumuno sa kanilang lungsod.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Rhanie na naibahagi niya sa KAMI:

"Ako po si Rhanie Roque, isang Charcoal Portrait artist laking San Mateo, Rizal. Ginawa ko po itong art na to para kay Yorme Isko para sa kanyang kaarawan at bilang pagbibigay pugay sa napakahusay niyang pamumuno sa lungsod ng Maynila. Sana po ay maging malusog siya palagi gayundin ang kanyang pamilya at nawa'y ipagpatuloy pa rin niya ang kanyang kabutihan sa bayan."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa huling update ni Rhanie sa KAMI, agad na napansin ng alkalde ang handog ng pintor sa kanya kaya naman nais niya itong mapasalamatan ng personal.

TikTok video ng original members ng Viva Hot Babes, nagpa-indak sa netizens

Si Francisco Domagoso o mas kilala bilang si "Isko Moreno" ang kasalukuyang alkalde ng Lungsod ng Maynila. Una niyang pinasok ang pag-aartista noong 90's subalit nasa puso niya ang serbisyo publiko kaya mas pinili niya ang paglilingkod sa bayan.

Hinangaan siya sa napakarami niyang proyekto na mas lalong ikinaganda at ikinaayos ng kanilang lungsod.

Malaking bagay ang pagiging "laking Maynila" talaga ni "Yorme Isko" dahil alam niya mismo ang sitwasyon sa bawat sulok ng pinakamamahal niyang lungsod.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Related news