Labanderang pinagmumulta ng tanod dahil walang face mask, inaksyunan na ni Tulfo

- Nakarating na sa programa ni Raffy Tulfo ang insidente ng labanderang nasa bakuran ngunit pinagmumulta ng mga tanod dahil wala raw itong face mask

- Nakausap mismo ni Tulfo ang ginang na noo'y naglalaba sa kanila mismong bakuran at wala namang ibang tao na naroon

- P1000 daw ang pilit na iminumulta sa kanya ng mga taga-barangay imbis na paalalahanan na lamang siya gayung nasa loob pa rin naman siya ng kanilang bakuran na lampas tao sa taas

- Kumonsulta na rin si Tulfo sa DILG upang maipaliwanag kung may nalabag nga ba ang ginang na naglalaba sa labas lang halos ng pinto ng kanilang bahay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mabilis na nag-viral ang video ng isang ginang na nagawang sitahin ng barangay dahil sa paglalaba nito sa kanyang bakuran nang walang face mask.

Raffy Tulfo, ikinuwento ang mga kababalaghang nangyayari na rin sa kanilang tahanan

Nalaman ng KAMI na maraming netizens na nakapanod ng video ang nag-tag sa programa ni Raffy Tulfo upang matulungan ang ginang na pinagmumulta ng ng mga tanod ng ₱1,000.

Kinausap mismo ni Tulfo si Dina Mapayo, ang ginang sa viral video.

Napag-alaman niyang paglalabada pala talaga ang ikinabubuhay nito at kumikita lamang ito ng nasa ₱300 na siyang pinagkakasya niya sa gastusin nila sa araw-araw.

Nagkataong wala ring hanapbuhay ang kanyang mister kaya mag-isa lamang siyang dumidiskarte para itaguyod ang apat na anak.

Sunod na inalam ni Tulfo ang itsura ng tahanan ni Dina at kung nasa bakuran nga ba ito nang masita ng mga tanod ng kanilang barangay.

Ipinakita ng ginang na lampas tao ang bakuran nila at siya lamang ang tao roon nang sitahin siya ng mga tanod.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Toni Fowler, umiiyak na dumulog sa programa ni Raffy Tulfo

Kinausap din ng host ng 'Wanted sa Radyo' si Usec. Ricojudge Echiverri ng Department of the Interior and Local Government upang malinawan lung may nilabag nga ba ang ginang base sa kuha nitong video ng paninita sa kanya ng mga tanod.

Ayon kay Usec. Echiverri, pinaaalalahanan na lamang daw sana ang ginang lalo pa at nasa loob naman ito ng kanilang bakuran. Hindi na rin daw sana humantong pa sa puntong pinagmumulta ito at hahainan pa di umano ng subpoena.

Tutulong na rin si Tulfo sa pag-aayos ng insidente na ito ni Dina sa barangay upang hindi na siya makapagmulta gayung malinaw naman na wala itong nalabag.

Magpapaabot na rin ng mga grocery items at ₱10,000 na tulong pinansyal sa pamilya ni Dina. Humanga rin kasi si Tulfo sa kasipagan ng ginang na aniya'y hindi umaasa lamang sa tulong ng gobyerno.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Landlady, pinahihiram pa rin ng pangkain ang mag-asawang di nakakabayad ng upa

Kamakailan, nag-viral ang video ni Dina na umani ng iba't ibang reaksyon mula sa mga netizens.

Ilang araw lamang ang lumipas nang mabigyang pansin agad ito ni Raffy Tulfo na kilala sa pagbibigay ng agarang aksyon lalo na sa mga ordinaryong taong nadedehado.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Related news