Pilipinas, COVID-19 hotspot na sa buong Southeast Asia

- Nangunguna na ang Pilipinas sa may pinakamataas na bilang ng kaso ng COVID-19 sa buong Southeast Asia

- Ngayon araw, umabot na sa mahigit 119,000 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa bansa

- Sumunod sa Pilipinas ang Indonesia na mayroong mahigit 118,000 na mga kaso

- Dahil sa patuloy na paglobo ng bilang ng mga COVID-19 sa bansa, isinailalim sa modified enhanced community quarantine ang Metro Manila at ilan pang probinsya na may mataas na bilang ng nagpositibo sa virus

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pilipinas na ang may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 sa buong Southeast Asia.

Ito ay matapos na magtala ng 3,561 na karagadagang kaso ngayong araw, Agosto 6 na siyang bumuo sa kabuuang bilang na 119,460.

Mapapansing nasa walong araw na hindi bumababa sa 3,000 ang mga naitatalang kaso ng COVID-19 araw-araw.

Samantala, pumapangalawa naman ang bansang Indonesia sa Pilipinas sa may pinakamaraming kaso sa Timog Silangang Asya na may bilang 118,753.

Ika-22 na ang Pilipinas sa may pinakamataas na kaso ng COVID-19 sa buog mundo at ika-23 naman ang Indonesia.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ang bansang China na pinaniniwalaang pinagmulan ng naturang virus ay nasa ika-30 na pwesto na may 84, 528 at panaka-nakang karagdagan lamang.

USA pa rin ang may pinakamaraming nagpositibo sa virus na umabot na sa halos limang milyon.

Sa bansa, Metro Manila pa rin ang may mataas na bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19.

Kasalukuyan nang sumasailalim sa modified enhanced community quarantine ang naturang rehiyon bilang pagtugon ng gobyerno sa panawagan ng mga medical frontliners ng 'time out' dahil sa patuloy na paglobo ng ng kaso sa national capital region.

Napupuno na rin ang mga ospital sa Metro Manila kaya naman malaking bagay na mapigilan kahit na paano ang paglabas ng mamamayan at manatili muli ang karamihan sa atin sa ating tahanan sa loob ng dalawang linggo.

Tatagal ang MECQ hanggang Agosto at muling mag-aanunsyo ang pamahalaan ng magiging kalagayan ng bansa bago sumapit ang araw na ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Paalala pa rin ng Department of Health ang mga safety protocols tulad ng social distancing, palagiang pag-disinfect o paghuhugas ng kamay at ang palagiang pagsusuot ng face mask sa mga pampublikong lugar.

Ipatutupad na rin simula Agoto 15 ang pagsusuot ng face shield bukod sa face mask sa mga commuters o sumasakay sa pampublikong mga sasakyan.

Isa raw ito sa nakikita nilang solusyon upang mas makaiwas sa patuloy na paglaganap ng virus.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Related news