GMA actress na si Sheryl Cruz, inireklamo ng kaibigan kay Raffy Tulfo

- Nahaharap sa kontrobersya ang Kapuso actress na si Sheryl Cruz matapos itong ireklamo ng kaibigan sa "Raffy Tulfo in Action"

- Ayon sa nagpakilalang kaibigan ni Cruz na si alyas "Alex", nangako umano ang aktres sa kanya na ibabalik ang mga nagastos niya nang tumakbo ito noong nakaraang eleksyon

- Pero matapos daw ng ilang buwan ay hindi na nakipag-usap sa kanya si Cruz at siniraan pa umano siya nito sa ibang tao

- Mariin namang itinanggi ni Cruz ang akusasyon ni Alex at tumanggi nang makipag-usap on air

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nahaharap sa malaking kontrobersya ang Kapuso actress na si Sheryl Cruz matapos itong ireklamo sa programa ni Raffy Tulfo dahil sa utang.

Ayon sa nagpakilalang kaibigan ni Cruz na si alyas "Alex", isang health care professional sa ibang bansa, nangako umano sa kanya ang aktres na ibabalik ang kanyang mga nagastos para rito nang tumakbo ito bilang councilor noong nakaraang eleksyon.

Batay sa pahayag ni Alex, inabonohan daw niya ang mga natitirang proyekto ni Cruz para sa kampanya nito matapos umatras ng sponsor ng aktres.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sinabi umano ni Cruz na ibabalik nito ang mga nagastos ni Alex sa oras na makabalik ito sa trabaho bilang aktres.

Pero makalipas lang daw ang ilang buwan ay hindi na nakipag-usap sa kanya si Cruz at siniraan pa umano siya nito sa ibang tao.

Bukod dito, ipina-ban din umano sila nito sa tinitirahang subdivision ng aktres.

Samantala, tumanggi nang makipag-usap on air si Cruz at mariin nitong itinanggi ang akusasyon sa kanya.

Anito, wala silang usapan ni Alex na "hiram" ang perang sinasabing ginamit para sa kanyang kompanya. Makikipag-ugnayan muna raw ito sa abogado nito.

Isang Faith Perez naman ang sinabi ng aktres na makakapag-patunay ng pagkatao ni Alex.

Ayon naman kay Perez, maliit na halaga lamang ang perang sinasabi ni Alex. Nakiusap din ito na huwag nang palakihin ang isyu.

Sa kanyang Facebook page, isang post naman na tila may kaugnayan sa isyu ang ibinahagi ng aktres. Umani naman ito ng suporta mula sa kanyang mga supporters.

"I do not delight in scandals, nor do I rejoice in others misery. My heart breaks because people are too quick to judge things they don’t even know about. I don’t have to dignify anything as I don’t need to explain myself to anyone," ayon FB post.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Sheryl Cruz ay kilalang aktres at singer sa Pilipinas at tumakbo bilang councilor sa Manila 2nd District noong nakaraang eleksyon.

Kamakailan lang ay nag-viral ito at ang mga pinsang sina Sunshine, Donna at Geneva Cruz dahil sa kanilang virtual reunion.

Kabilang ang aktres sa Kapuso teleserye na "Magkaagaw".

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Related news