Kauna-unahang gamot kontra COVID-19, aprubado na ng China

- Ilang ulat ang nagsabing aprubado na ng China ang isang gamot kontra Corona Virus Disease (COVID-19)

- Ang gamot na ito ay tinatawag na Favilavir at pwede na itong magsimulang maibenta sa merkado

- Isa ang Favilavir sa tatlong gamot na pinag-aralan at nagpakita ng magandang resulta kontra COVID-19

- Samantala, umabot na sa 1,868 ang mga naitalang namatay sa China dahil sa coronavirus na ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Inaprubahan na ng National Medical Products Administration ang kauna-unahang antiviral para sa Corona Virus Disease (COVID-19).

Nalaman ng KAMI na ang Favilavir ang kauna-unahang gamot na pinayagan ng China na maibenta sa merkado.

Ayon sa ulat ng GMA News Online, isa ang Favilavir sa tatlong gamot na ginagawa kontra COVID-19 na nagpakita ng magandang resulta sa mga clinical trials.

Ang gamot na nito ay ginawa ng Zhejiang Hisun Pharmaceutical Company at nagsimula na ang produksiyon nito noong Linggo.

Sabi sa ulat ng The Guardian, umabot na sa 1,868 ang mga namatay sa China dahil sa COVID-19. Samantala, nasa 72, 436 naman ang mga kumpirmadong kaso nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nauna nang naibalita ng KAMI na isang grupo ng mga scientists sa California ang nagsabing nakagawa sila ng bakuna kontra COVID-19 sa loob lamang ng tatlong oras.

Subalit, aabot naman ng ilang buwan ang testing para rito bago mabenta sa merkado.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Exclusive Interview: How Did Kris Bernal And Perry Choi Meet? Let's find out how the famous Filipina actress Kris Bernal and her non-showbiz boyfriend Perry Choi met. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Related news