Stress daw siya! Batang vlogger, may shout out para sa ABS-CBN

- Aliw na aliw ang mga netizens sa mga hirit ng isang batang vlogger mula sa Cebu

- At ang latest video nito, shout out daw para sa ABS-CBN TV network na nahaharap sa mainit na isyu ng renewal ng prangkisa nito

- Pero paglilinaw ng nanay nito, binabasa lamang nito ang script na ginawa niya para rito

- Naisip daw kasi nila na maaaring humakot ng mas maraming views ang video nito dahil viral ang usapin ngayon tungkol sa Kapamilya network

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Bibong-bibo ang isang batang vlogger na ngayon ay viral na dahil sa kanyang latest vlog na tungkol sa kinakaharap na isyu ng giant TV network na ABS-CBN.

Ang 6-anyos na batang babae na si Nitch Macapobre ay mula sa Pinamungajan, Cebu, may pa-shout out daw para sa Kapamilya network.

Sa video nito na umabot sa halos apat na minuto, sinabi ng bagets ang lahat ng kanyang "saloobin" tungkol sa napipintong pagsasara ng network, ayon sa translation ng Cebu Daily News.

“Shoutout sa ABS-CBN,” panimula ni Nitch.

"Uunsa ka tinoud ang chesmes nga March nalang mo kutob?”

(Shoutout to ABS-CBN, how true are the rumors that you’ll only be until this March?)

Hirit pa ng bata, na tila "certified loyal Kapamilya", kahit daw na-i-stress siya sa mga teleserye ng ABS-CBN ay patuloy naman niya itong tinatangkilik.

“Yes, tinood nga na stress ko sa inyong mga teleserye, pero it means nga nag subay jud ko taga gabii,” anito.

(Yes, it’s true that I’m stressed with your telesrye, but that just means that I follow your shows every night.)

“Ay kog ingna nga mo balhin nalang sad ko sa Kapuso. Una sa tanan, si Jessica ra akong na ilhan, no offense mga taga GMA,” dagdag pa ni Nitch.

(Don’t tell me I have to transfer to being a Kapuso. First of all, it’s only Jessica who I know, no offense to those in GMA.)

Nagpatuloy pa ito sa kanyang paglalabas ng saloobin hanggang sa mayroong "tumawag" dito para sabihing ang "Ang Probinsiyano" na ang ipinapalabas.

Dito na natapos ang vlog ni Nitch na kunwari'y nagmamadali pang umalis.

Patok naman sa netizens ang video na ito ni Nitch at talagang umani ng sari-saring reaksyon.

Pero paglilinaw ng nanay nito na si Christine Fajardo, binabasa lamang nito ang script na ginawa niya para rito.

Naisip daw kasi nila na maaaring humakot ng mas maraming views ang video nito dahil viral ang usapin ngayon tungkol sa Kapamilya network.

"Actually, about ABS.. We just thought about it because it is trending due to the shutdown issues so we were just hoping a lot would watch the video," ayon sa ginang.

Matatandaang naiulat na hanggang sa Marso 2020 na lamang ang prangkisa ng ABS-CBN.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, sa isa pang ulat ng KAMI, hinamon naman ng beteranong journalist na si Jay Sonza si Senator Grace Poe na imbitahin din ang mga bigating pangalan tulad ni Mel Tiangco at Willie Revillame sa planong Senate hearing kaugnay sa renewal ng ABS-CBN.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Welcome to a new edition of our “Tricky Questions Celebrities” feature! This time, we will try to find out if these people will recognize famous celebrities through their smiles. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Related news