Sulat kamay na report ng isang Principal noong 1995, nagpabilib sa netizens

- Viral ang larawan ng mga reports ng dating Principal dahil sa sulat-kamay ang mga ito

- Makikitang puro graphs at iba pang mga "comparative date" ang sinulat nito gamit lamang ang ballpen, markers at ruler

- Marami ang humanga sa punongguro na ito dahil sa panahon ngayon na ang mga reports ng guro at de-computer na, iisipin mo nalang kung gaano katiyaga at kasipag ito at nagawa niya ito sa loob ng ilang taon

- Umani rin ng papuri mula sa mga netizens ang principal at sana'y ma-inspire ang kasalukuyang henerasyon sa kasipagan ng school head na ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena sa social media ang sulat-kamay na report na gawa raw ng isang dating principal.

Binahagi ng netizen na si Kathleen Shane Pinlac Sison ang mga larawan ng mga report ng kanyang "Papang" na nakuha nila sa lumang briefcase nito.

Nalaman ng KAMI na isa pa lang elementary principal ang "Papang" ni Kathleen at di pa gaanong palasak noon ang paggamit ng computer.

Sa malayo, aakalain mong isang inilathalang libro ang mga report ng punungguro.

Mabusisi niyang iginuhit ang pantay pantay na linya para sa kanyang graph.

Gamit ang kanyang ballpen at markers malinis niyang nagagawa ang comparative report na ang pinakahuling taon ay 1995.

Tunay na nakakamangha ang ginagawa na ito noon ng punungguro lalo na at di pa sila gaanong gumagamit ng computer.

Sa panahon ngayon na computer na halos ang nagpapagana ng lahat ng bagay, talagang mapapabilib ka nga naman sa maituturing nang obra ng principal.

Umani ito ng mga papuri mula sa netizens at sana'y magsilbing inspirasyon daw ito lalo na sa kabataan ngayon na namulat na sa makabagong teknolohiya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Wow. A first hard copy of excel after the 1st appearance of microsoft excel back in 1985."
"Iyak ako neto siguro kung walang computer"
"Oh my, napakalinis pa ng kanyang gawa. saludo kami sa'yo sir. "
"Napakasipag naman ng school head na ito, malamang performing ang school nito"
"Ang galing, hindi architect, hindi engineer kundi isang guro po ang may gawa nito"

How well do you know the smile of you favorite Pinoy celebrity?

Tricky Questions Celebrities: Guess The Star By The Charming Smile | HumanMeter

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Related news