Driver ng jeep na umararo sa 7 estudyante sa Makati, positibo sa paggamit ng bawal na gamot

- Nagpositibo sa isinagawang drug test ang driver ng jeep na nakasagasa sa pitong estudyante sa Makati City

- Ito ang dahilan kung bakit hindi siya makapaglabas ng lisensya

- Marami ang nagngingit sa galit nang mapanood ang CCTV footage kung paano inararo ng jeep ang mga estudyante

- Nasa tamang tawiran ang mga estudyante at naka-stop pa dapat ang sasakyan ng biglang mag-overtake ang jeep at sinagasaan ang mga estudyante

- Isa ang kumpirmadong patay sa aksidente

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nasakote agad ng mga pulis ang 31-anyos na jeepney driver na si Crisalde Tamparo na sumagasa sa pitong estudyante sa Makati City noong Pebrero 12.

Kitang-kita sa iba't ibang anggulo ng CCTV kung paano walang awang inararo ng jeep ang mga estudyante na nasa tama namang tawiran.

Bukod pa rito, mapapansin din na nagsenyas na ang traffic enforcer na papatawid ang mga kabataan kaya naman kataka-takang nagawa pa rin silang sagasaan ng suspek.

Tila duda na rin ang awtoridad sa dahilan ng tsuper na nawalan umano siya ng preno dahil nasapul sa CCTV na nag-overtake ito sa nakahintong kotse at nagawa naman nitong huminto nang may nasagasaan na ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayon sa Pilipino Star, agad ding sumailalim sa drug test si Tamparo kung saan nagpositibo siya sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot.

Ito rin ang dahilan kung bakit walang maipakitang lisensya ang suspek nang mahuli agad ito matapos ang aksidente.

Isa ang kumpirmadong pumanaw sa kalunos-lunos na pangyayari. Ito ay ang 13-anyos na si Jules Vilapando na binawian ng buhay habang dinadala ito sa ospital.

How well do you know the smile of you favorite Pinoy celebrity?

Tricky Questions Celebrities: Guess The Star By The Charming Smile | HumanMeter

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Related news