Tatlong pasyente sa Cavite City, kinakitaan ng sintomas ng COVID-19

- Inoobserbahan ang tatlong pasyente sa Cavite City matapos na kakitaan ito ng mga sintomas ng Coronavirus disease 2019

- Dinala ang mga pasyenteng ito sa Gen. Emilio Aguinaldo Memorial Hospital sa Trece Martires

- Sinasabing handa naman ang lokal na pamahalaan ng Cavite sakaling naging positbo nga ang mga inoobserbahang pasyente na ito

- Pinaalalahanan din ang mga taga Cavite na huwag agad mag-panic at di pa naman kumpiramdo ang kaso

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tatlong pasyente sa Cavite ang inoobserbahan ngayon at hinihinalang may Coronavirus Disease o COVID-19.

Ayon mismo sa Official Facebook page ng Cavite City, kinakitaan daw ng sintomas ng COVID-19 ang mga pasyente kaya naman agad nila itong inobserbahan.

Nailipat na sa Gen. Emilio Aguinaldo Memorial Hospital sa Trece Martires ang mga pasyente.

Nalaman ng KAMI na bago pa man magkaroon ng hinihinalang kaso ng COVID-19 ang naturang lugar, pinaghandaan na ito ng kanilang lokal na pamahalaan.

Pebrero 06 nagkasi ang mga miyembro ng Health board ng Cavite city na magkaroon sila ng COVID-19 Task Force.

Ito ay sa direktiba ng kanilang alkalde na si Mayor Totie Paredes. Naglalayon ang task force na ito na magkaroon ng protocol sa tamang paghawak ng kaso ng isang pasyente na tinamaan ng nakamamatay na virus.

Samantala, pinagtulungan na ng local government at provincial government ng Cavite ang pagtutok sa hinihinalang kaso ng tatlong pasyente.

Nagbigay paalala rin sila na huwag agad mag-panic gayung di pa naman kumpirmadong kaso ng COVID-19 ang sakit ng tatlo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang kabuuan ng post:

Kasalukuyang tatlo pa rin ang naging kumpirmadong kaso ng noo'y nCoV o COVID-19 sa bansa.

Una rito ang naka-recover na Chinese national habang ang kasama naman nito ay pumanaw ilang araw matapos na dalhin sa ospital.

Ang pinakahuling kasong naitala sa bansa ay isa pa ring Chinese national na nakabalik narin ng China.

How well do you know the smile of your favorite Pinoy celebrity?

Tricky Questions Celebrities: Guess The Star By The Charming Smile | HumanMeter

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Related news