Video ng cute na mga batang kinakastigo ng ama dahil sa nasirang salamin, viral

- Viral ang nakakaaliw na video ng magkakapatid na kinakastigo ng kanilang ama

- Nabasag umano ang wall mirror nila at parehong tinuturo ng dalawang nakababatang kapatid ang kanialng kuya na siyang nakasira

- Natuwa ang netizens sa cute na pagpapaliwanag ng 'bunso' na panay ang banggit a salitang "katapos"

- Ayon pa sa ama, imbis na pagalitan daw niya ang magkakapatid, kinausap na lamang daw niya ito at maging siya ay naaliw sa reaksyon ng kanyang mga anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena sa social media ang video ng cute na cute na magkakapatid na kinakastigo ng kanilang ama.

Ayon sa post ni Benidict Selmo, nabasag daw umano ang kanilang salamin at di na niya magawang pagalitan pa ang mga anak.

Ito ay dahil maging siya ay naaliw na rin sa pagpapaliwanag mga tatlo lalo na ng bunso nilang panay ang sabi ng "katapos" o pinaiksing "pagkatapos."

Kahit paulit-ulit ang tanong ni Benidict ay pilit na tinuturo ng kambal ang kanilang kuya na siyang nakabasag ng kanilang salamin.

Cute na cute na ikinuwento ng bunso ang pangyayari na sinisegundahan naman din ng kanyang kakambal an tinatawag niyang ate.

Maging ang mga netizens ay sumasang-ayon kay Benidict na kung ganito nga naman ka-cute ang kanilang kakastiguhin ay di na rin nila magagawang magalit pa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Katapos? hahaha, ang cute. andaldal. sarap kausap!"
"Di mo nga naman magagawang magalit kung ganito ka-cute papagalitan mo baka mayakap ko pa yang mga yan"
"Nakakatuwa sila halatang nagsasabi ng totoo kasi kahit paulit-uit iisa pa rin ang kwento, Katapos!"
"Haha, walang kawala yung kuya sa dalawa, panay ba naman ang katapos, di na natapos ang cuteness nila"
"Natuwa na rin maski yung ama, buti walang nasugatan sa pagkabasag ng salamin"

How well do you know the smile of you favorite Pinoy celebrity?

Tricky Questions Celebrities: Guess The Star By The Charming Smile | HumanMeter

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Related news