Mister na namatayan ng asawa sa mismong kasal nila, inalala ang misis sa pamamagitan ng "tattoo"

- Inalala ng mister ang kanyang misis sa pamamagitan ng pagpapa-tattoo ng mukha nito sa kanyang dibdib

- Pinili niyang ilagay ito malapit sa kanyang puso dahil naroon pa rin naman daw ang pagmamahal niya sa kanyang asawa kahit pa ito ay sumakabilang buhay na

- Ilang buwan matapos na pumanaw ang misis, di pa rin lubos maisip ng mister na wala na ito lalo pa at halos 10 taon na silang magkasama

- Katunayan, katabi pa rin niya pagtulog ang larawan ng misis na hinahalikan niya bago matulog gayundin sa kanyang paggising

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Minsan na tayong pinaiyak ng kwento nina Victor at Marjorie Banayo na nagpapatunay na ang tunay na pag-ibig ay maaring madama kahit sa kabilang buhay.

Si Victor ang lalaking nagpakasal sa nobyang may malubhang karamdaman at sa kasamaang palad, binawian ito ng buhay sa mismong seremonya ng kanilang pag-iisang dibdib.

Animo'y hinintay lamang ni Marjorie na maisakatuparan nila ang plano na talaga nilang kasal ni Victor bago pa man niya mapag-alamang tinubuan siya ng bukol sa matres.

Binahagi ng programang Frontrow ng GMA news ang kwento ng dalawa at kahit sinuman ay talagang maluluha sa wagas na pag-iibigan nila.

Ngayon, halos dalawang buwan mula nang pumanaw si Marjorie, muling kinumusta ng programa si Victor.

Aminado ito na hirap pa rin siyang harapin ang araw-araw na wala ang misis sa kanyang tabi.

Mula kasi nang magkakilala at magkamabutihan sila noong 2009 ay di na sila mapaghiwalay.

Pagmamalaki pa ni Victor, halos di makapaniwala ang mga tao sa kanilang lugar na wala na sa tabi ng mister si Marjorie dahil lagi umano silang magkasama.

Bilang pag-alala sa kanyang pinakamamahal na misis, nagpatattoo siya ng mukha nito sa kanyang dibdib.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ito ay simbolo ng pag-ibig niya kay Marjorie na naroon pa rin sa kanyang puso.

Bukod pa rito, katabi pa rin ni Victor ang mga larawan ng misis sa kanyang higaan. Hinahagkan niya raw ito bago matulog at maging paggising.

Patunay lamang na mayroon pa rin talagang pag-ibig na wagas tulad nang kina Marjorie at Victor.

Narito ang kabuuan ng kanilang kwento na nagpaluha sa marami:

How well do you know the smile of your favorite Pinoy celebrity?

Tricky Questions Celebrities: Guess The Star By The Charming Smile | HumanMeter

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Related news