Netizen, nagbigay babala sa mapanganib na "prank" ng kabataan ngayon

- Isang netizen ang naalarma sa kumakalat na bagong prank ng kabataan ngayon

- Madalas daw itong gawin ng mga kabataan at dapat lamang na mabigyang babala ang mga magulang upang masabihan ang mga anak nilang huwag gagawin ang prank na ito

- Sinabing may isang babae na umano ang pumanaw sa Brazil sa paggawa ng prank na ito

- Magsilbing paalala ito sa mga kabataan na huwag basta gagawa ng prank na akala nila'y biro sa umpisa ngunit maaring maging mitsa pala ng buhay nila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ang post ng netizen na nagpapakita ng pinakabagong prank ng mga kabataan ngayon.

Binahagi ng Facebook user na si Ryan T. Bagatsing FirstAcct ang dalawang video ng bagong prank na madalas daw gawin ng mga kabataan.

Magsilbing babala raw ito lalo na sa mga magulang na paalalahanan ang mga anak na huwag na huwag itong tatangkaing gawin lalo pa at may isang batang babae na sa Brazil ang pumanaw dahil dito.

Makikita sa video ang dalawa na magpapakita muna di umano ng gagawin. Ang isa ay pinanood muna ang sabay napagtalon ng dalawa.

Sa pangalawang beses na ito sana'y gagawin nila kasama ang isang nasa gitna na nanood lang sa ginawa ng dalawa na nasa kanyang tagiliran, Doon na nila gagawin ang prank.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Imbis na sabayan ang nasa gitna, papatirin ng dalawa ang binti nito dahilan upang siya ay bumagsak.

Kapansin-pansin sa video na hindi talaga ito magandang biro gayung dahil sa lubhang delikado ang pagbagsak ng pinatid na tao dahil di na niya ito kontrolado.

Ito rin ang nakikitang dahilan ng pagkamatay ng batang babae sa Brazil na nabagok ang ulo dahil sa prank na ito.

Mainam na mapaalalahanan ang publiko tungkol dito upang di na nila magawa kaninuman, bata man o matanda dahil lubhang mapanganib ito at baka maging dahilan pa ng maaga nilang pagkawala sa mundo.

Narito ang isa pang video kung paano isinasagawa ang prank na ito:

How well do you know the smile of your favorite Pinoy celebrity?

Tricky Questions Celebrities: Guess The Star By The Charming Smile | HumanMeter

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Related news