Panibagong video ng isang nagpakilalang pulis, umani ng batikos sa mga netizens

- Isang video ng lalaking nagpakilalang pulis ang umani ng batikos mula sa mga netizens

- Bukod sa hindi naka-unifrom ang nagpakilalang pulis, pinilit nitong posasan ang lalaking kumukuha ng video

- Makikitang nangangatwiran ang lalaking hinuhuli ng nagpakilalang alagad ng batas

- Katwiran ng lalaki, wala naman siyang ginagawang masama kaya hindi siya dapat posasan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang lalaki ang sinita ng isa pang lalaking nagpakilalang pulis. Dahil sa pangamba para sa kanyang kaligtasan, minabuti ng lalaki na kuhanan ng video ang buong pangyayari.

Tila ikinaasar ng 'pulis' ang kanyang pagkuha ng video. Dito na nito nilabas ang posas at nagsabing dadalhin niya ang lalaki sa presinto.

Katwiran ng lalaking pinipilit isama sa presinto, ibebenta lamang niya ang mga used oil at wala naman siyang illegal na ginagawa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nagpumiglas ang lalaki matapos maposasan ang isang kamay niya. Humingi na rin siya ng tulong sa mga kapitbahay niya. Ilang mga tao ang nakiusap sa nagpakilalang pulis.

Hanggang sa nakawala ang lalaki mula sa pagkakahawak ng 'pulis'. Maririnig din sa video ang sunod-sunod na pagputok ng baril.

Umani ng batikos ang video na ito. Marami ang umaasang mapansin ang video ni Raffy Tulfo para matulungan ang biktima.

POPULAR: Read more about Filipino viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Welcome to a new edition of our “Tricky Questions Celebrities” feature! Click the play button ang find out how many among the respondents could recognize famous celebrities through their smiles. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Related news