Balloon vendor na napagtripan ng mga tambay na mga lalaki, itutuloy ang reklamo

- Patuloy na nagpapagaling sa pagamutan ang balloon vendor na nag-viral sa social media kamakailan

- Nalapnos ang kanyang balat sa bahagi ng kanyang braso dahil sa pagliyab ng kanyang panindang lobo

- Base sa CCTV na ibinahagi sa social media, isang grupo ng kalalakihan ang sumilab sa kanyang paninda habang siya ay nagpapahinga

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

- Desidido naman ang vendor na ituloy ang reklamo nang matuto at hindi na tularan ang grupo

Sa isang panayam ng programang Raffy Tulfo in Action, naipakita ang kalunos-lunos na dinanas ng balloon vendor na nag-viral kamakailan matapos kumalat ang CCTV video na kuha kung paano lumiyab ang kanyang mga paninda.

Kuwento ng vendor, nagpapahinga lamang siya nang magising siyang nag-aapoy ang mga lobong tinitinda. Makikita sa CCTV na isang grupo ng kalalakihan ang may kumaripas ng takbo matapos maisakatuparan ang kanilang balak.

Ayon pa sa vendor, nagkaharap na sila ng mga lalaki sa baranggay kasama ang mga magulang ng mga ito. Dahil naawa siya sa mga nagmakaawang mga nagulang, tinanggap niya ang perang binigay ng mga ito sa pag-asang hindi na nito itutuloy ang pagrereklamo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Gayunpaman, dahil sa mga narinig niya tungkol sa kalokohan ng mga lalaki, ibinahagi niya sa programa ni Raffy Tulfo na nais niyang ituloy ang kaso.

Nangako naman si idol na tutulong siya at papalitan ang perang inabot sa kanya ng mga magulang para matuloy na ang kaso.

Sa kasalukuyan, patuloy na nagpapagaling ang vendor.

POPULAR: Read more about Filipino viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Welcome to a new edition of our “Tricky Questions Celebrities” feature! Click the play button ang find out how many among the respondents could recognize famous celebrities through their smiles. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Related news