Nagulat ang netizens: Sarah G, ibinida ang bagong version ng "Tala"

- Sinayaw ni Sarah Geronimo ang pinakabagong version niya ng "Tala" sa concert nila ni Regine Velasquez

- Nagulat ang mga netizens at mas "fierce" daw si Sarah G sa ialng mga bagong dance steps ng sikat na sikat niyang kanta

- 2015 pa nang inilabas ng Popstar royalty ang awiting ito ngunit muli itong namayagpag bago matapos ang taong 2019 dahil sa viral video ng mga "volleybeks" na sinayaw ito imbis na sanggahin ang reklamo sa kanila ni "Aling Nelia"

- Dahil dito, nagkaroon na ng "Tala dance challenge" at ginanap nga ang Tala nation sa ASAP nitong Enero ng kasalukuyang taon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinida ni Popstar Royalty Sarah Geronimo ang pinakabagong version niya ng Tala sa concert nila ni Regie Velasquez noong Pebrero 14 sa Araneta Coliseum.

Ayon sa Inquirer.net, laking gulat ng mga fans at netizens dahil mas "fierce" na Sarah G ang nakita nila dahil sa ilang mga bagong steps na naidagdag sa sayaw.

Sa video na binahagi ng Facebook page ng VIVA, maririnig ang hiyawan ng mga fans na aliw na aliw sa kanilang pinapanood.

Matatandaang 2015 pa inilabas ang kantang ito ng Popstar royalty ngunit muling gumawa ng ingay nang mag-viral ang video ng mga "volleybeks" sa Sta.Ana na sinayaw ito bilang protesta sa reklamo sa kanila ni Aling Nelia.

Mula nang ito'y mag-viral, nagkaroon na ng "Tala dance challenge" kung saan maging mga celebrities tulad nina Ella Cruz, Maine Mendoza, Iza Calzado, Sandara Park at maging ang Korean group na Momoland ay kumasa rito.

Samantala, nagawa ring magpasalamat ni Sarah sa mga nagmahal sa awiting ito na kahit halos limang taon na ang nakaraan ay namamayagpag pa rin ang kasikatan ng kantang ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang kabuuan ng video:

How well do you know the smile of your favorite Pinoy celebrity?

Tricky Questions Celebrities: Guess The Star By The Charming Smile | HumanMeter

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Related news