Ex ABS-CBN employee, may prangkang pahayag tungkol sa network

- Ayos lang naman daw na mapagbigyan pa ang ABS-CBN ng panibagong 25 taon pero sana naman daw ay maging leksyon na ito para sa TV network

- Ito ang prangkang pahayag ng isang dating empleyado ng Kapamilya network na nagtrabaho rito sa loob ng 10 taon

- Ibinahagi rin nito ang ilang hinaing ukol sa diumano'y trato ng giant network sa bansa sa kanilang mga empleyado

- Tanong pa nga nito, bakit tila hindi sila itinuring na "kapamilya" ng ABS-CBN

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naglabas ng sama ng loob ang dating technical director ng ABS-CBN sa social media sa gitna ng mainit na isyu sa franchise renewal nito.

Ayon sa ulat ng Pinoy Trending, nagbigay ng prangkang pahayag si John Paul Panizales na nag-trabaho sa Kapamilya network sa loob ng 10 taon.

Ayos lang naman daw na mapagbigyan pa ang ABS-CBN ng panibagong 25 taon pero sana naman daw ay maging leksyon na ito para sa TV network.

Kwento pa nga nito, muntik pa siyang mamatay matapos gampanan ang trabaho para sa network nang muntik silang maaksidente pagkatapos ng kanilang taping.

Nanatili rin daw siyang loyal sa ABS-CBN ngunit tila hindi ito nabigyan ng halaga matapos silang sibakin ng network.

Isa rin daw si Panizales sa mga nag-rally noon para ipaglaban ang kanilang karapatan bilang empleyado.

Ibinahagi rin nito ang ilang hinaing ukol sa diumano'y trato ng giant network sa bansa sa kanilang mga empleyado.

Tanong pa nga nito, bakit tila hindi sila itinuring na "kapamilya" ng ABS-CBN.

"Isa ako sa mga empleyado na walang awang inalisan ng kabuhayan ng network na nagsasabing Kapamilya sila! Bakit hindi nila kami tinuring na Kapamilya nung panahon na yun?

"Isa ako sa mga tumayo sa kalsada sa harap ng kumpanya nila para ipaglaban ang aming mga karapatan bilang manggagawa! Pinakinggan ba kami?????? HINDI!!!!!

"Kahit isang TV Network noon walang pumansin sa mga hinaing at paghingi namin ng tulong! Kasi pare-parehas silang may mga bahong itinatago,” sabi pa nito.

“10 taon ako nagsilbi sa network na yan! In fact, muntik pa ako mamatay dahil naaksidente kami pagkagaling sa isang taping! 10 taon na serbisyo, pero wala pang isang oras basta na lang inalis ang access namin makapasok sa loob. In fairness, sinalo kami ng TV5 noon at sa tulong at awa ng Diyos, nagkaron kami ulit ng buhay!” dagdag ni Panizales.

“Okay lang naman ma renew ang franchise ng Kapamilya! Pero sana lingunin naman nila ang mga maliliit na manggagawa na labis na nagpapakahirap magkaron lang sila ng mga magagandang shows!

"Ang nagpupuyat at hindi natutulog ng halos ilang araw magampanan lamang ang kanilang mga trabaho!

"Sana alagaan naman nila at mahalin na parang isang totoong Kapamilya ang mga manggagawang halos binubuhos na ang buhay para sa serbisyo sa kanila! Sana matapos na ang walang awang pang maltrato nyo sa mga empleyado!

"Gayunpaman, nagpapasalamat pa din po ako dahil sa Kapamilya ako nagsimula! Utang ko sa network na to lahat ng learnings ko ngayon.

Dito ako nahubog, natuto at nahasa ng todo! Dito ko din kasi natutunan na ang mundong pinasok ko ay napapalibutan ng mga ahas at pekeng tao! Sana sa isyu ng prangkisa, mabago na ang mundo ng entertainment.

"Sana manaig na ang totoong pagpapasaya sa tao, hindi lang para pagkakitaan ang mga talino! Sana totoo na ang network na to ay ‘In the service of the Filipino'”

Sa kasalukuyan ay burado na ang nasabing post ni Panizales.

Maliban dito, ibinahagi rin nito ang video kung saan isa pang dating empleyado ng ABS-CBN ang nagbigay ng pahayag laban sa network. Anito, isa ang cameraman na si Journalie Payonan sa kanyang mga nakasama noon sa rally.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Welcome to a new edition of our “Tricky Questions Celebrities” feature! This time, we will try to find out if these people will recognize famous celebrities through their smiles. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!KAMI YouTube channel!

Related news