iPhones, ibibigay sa mga stranded sa luxury ship sa Japan dahil sa coronavirus

- 2,000 iPhones ang ipinamahagi sa mga pasahero at crew na stranded sa luxury ship na Diamond Princess na nasa Japan dahil sa coronavirus

- Mayroon nang naka-install na messenging application na LINE na may direktang komunikasyon sa Ministry of Health, Labor and Welfare ng Japan

- Sa pamamagitan nito ay magkakaroon ng pagkakataon ang mga stranded na sabihin sa mga doktor ang kanilang mga concerns tungkol sa kanilang lagay

- Maaari ring makapag-book ng appointment ang mga ito para magpakonsulta sa pamamagitan ng nasabing app

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Libo-libong iPhones ang ipinamahagi sa mga stranded sa luxury ship na Diamond Princess dahil sa coronavirus.

Kasalukuyang nakadaong ito sa Japan.

Isinailalim ang cruise ship sa quarantine dahil sa mga naiulat na kaso ng coronavirus.

Umabot sa 2000 Softbank iPhone units ang ibinigay sa mga pasahero at crews ng nasabing luxury ship.

Ayon sa ulat ng Tech News Online, mayroon nang naka-install na LINE sa mga iPhones na ipinamigay, isang messenging application.

Mayroon na rin daw itong direktang komunikasyon sa Ministry of Health, Labor and Welfare ng Japan.

Sa pamamagitan nito, may pagkakataon na ang mga stranded sa Diamond Princess na ipagbigay alam ang tungkol sa kanilang lagay.

Maaari rin silang magtanong sa mga doktor o mga psychologist hinggil sa mga pinagdadaanan.

Maaari ring makapag-book ng appointment ang mga ito sa mga doktor para magpakonsulta sa pamamagitan ng nasabing app.

Batay sa ulat, nagdesisyon ang mga awtoridad na iPhones ang ibigay sa mga stranded dahil mayroong mga ulat na may mga taong nakakuha ng access sa required na messenging app sa international Google Play stores habang nasa Japan.

Ito ay mula sa pagtutulungan ng Ministry of Health, Labor and Welfare ng Japan at ng LINE.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa kasalukuyan ay umabot na sa mahigit 1,500 ang nasawi dahil sa coronavirus at mayroon nang naiulat na isa sa France ayon sa mga reports.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Welcome to a new edition of our “Tricky Questions Celebrities” feature! This time, we will try to find out if these people will recognize famous celebrities through their smiles. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!KAMI YouTube channel!

Related news