Mag-inang 23 taon ang agwat ng edad, laging napagkakamalang magkapatid

- Agaw eksena sa social media ang larawan ng mag-inang laging napapagkamalang magkapatid o magkaibigan lamang

- 43 anyos na ang ina habang 19 naman na ang kanyang anak

- Mas madalas silang mapagkamalang magkapatid kaysa mag-ina dahil sa kanilang itsura

- Humanga ang mga netizens lalo na sa ina at napanatili pa nito ang maayos niyang pangangatawan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ang larawan ng mag-inang sina Joleen Diaz 43, at Meilani Parks, 19 na madalas mapagkamalang magkapatid lamang.

Sa kabila ng halos 23 taong tanda ni Joleen sa kanyang anak, halos di maniwala ang marami dahil mukha rawamagka-edad lamang ang dalawa.

Ayon kay Joleen, napapanatili niya ang kanyang "youtuhful glow" dahil sa kanyang matinding disiplina sa sarili. Wala siyang bisyo at mabusisi rin siya sa kanyang kinakain.

"healthy lifestyle" ika nga at talagang kasama sa pangaraw-araw niyang gawain ang pag-eehersisyo.

Sinisiguro rin niya na nakakapagpahinga siya ng maayos at sa tamang oras.

Kasama rin dito ang pangangalaga niya sa kanyang kutis na nagsimula pa noong siya ay 12 taong gulang pa lamang.

Kaya naman ngayong 43 na siya, di pa rin nalalayo ang itsura niya sa kanyang anak na 19 na taong gulang lamang.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kahit elementary teacher pa si Joleen, di ito kinakikitaan ng stress at tila hiyang pa sa kanyang propesyon.

Dahil dito, tila naipapamana na rin ni Joleen kay Meilani ang kanyang beauty routine kaya di malayong mapanatili rin nito ang kanyang pangangatawan.

Madalas na mag-bonding ang dalawa at sinisiguro ni Joleen na mayroon siyang oras kay Meilani. Ngunit isang bagay ang hindi raw gagawin ng ina kasama ang anak at ito ay ang magpunta sa club.

Labis na humanga ang mga netizens sa mag-inang ito lalo na kay Joleen dahil nagsisilbing mabuting ehemplo sa kanyang anak.

How well do you know the smile of your favorite Pinoy celebrity?

Tricky Questions Celebrities: Guess The Star By The Charming Smile | HumanMeter

Related news