Shaquille O'Neal, bumuhos ang luha habang inaalala ang yumaong "kapatid" na si Kobe Bryant

- Emosyonal si Shaquille O'Neal habang inaalala ang yumaong malapit na kaibigan na si Kobe Bryant

- Hindi raw niya pinaniwalaan ang balita hanggang sa dinagsa na siya ng mga tawag mula sa malalapit din nilang kaibigan na nagkumpirma sa pagpanaw ni Kobe

- Mami-miss daw niya ang pakikipagkantsawan nito sa kanya patungkol sa mga titulong kanilang napapanalunan sa larangan ng basketball

- 2016 pa nang huli silang nagkausap kaya naman mas masakit ito para kay O'Neal dahil hindi na niya muling makakausap pa ang "world's greatest Laker at greatest basketball player" para sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Di maawat ang pagluha ng NBA star na si Shaquille O'Neal habang inaalala niya ang malapit na kaibigang si Kobe Bryant na pumanaw kamakailan lamang.

Magkasama sina O'Neal at Bryant na nagdala ng karangalan sa kanilang team na LA Lakers.

Nalaman ng KAMI na di raw agad makapaniwala si Shaq nang ipaalam sa kanya ang malagim na sinapit ng kanyang "kapatid" na si Kobe kasama ang anak nitong si Gianna.

"I haven't felt a pain that sharp in a while, I lost a little brother," pahayag ni Shaq sa "Remembering Kobe" tribute ng TNT.

Kinailangan pa raw kumpirmahin ng maraming tao ang pagkamatay ni Kobe bago makumbinsi si Shaquille na wala na ang kanyang matalik na kaibigan.

Masakit para kay Shaq dahil alam niyang laging nakadikit ang pangalan ni Kobe sa kanya dahil sa legacy na kanilang nagawa para sa kanilang team.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Lalo pang bumuhos ang luha ni O'Neal nang mabanggit niya na wala na siyang makakantsawan pagdating sa pagbibilang ng awards na natanggap sa kanilang larangan. Madalas kasi nila itong gawin ni Kobe noon.

Mas lalo pang naging emosyonal si Shaquille nang malamang kasama ni Kobe ang anak na si Gianna. Naalala niyang "Uncle Shaq" ang nais niyang itawag ng mga anak ni Kobe sa kanya.

Huling maayos na pag-uusap nila ni Kobe ay noong 2016 pa. Kaya naman sa pagkamatay na ito ng kaibigan, naisip niya na tila masyado na rin siyang nagtatrabaho at nawawalan na siya ng oras para maglaan ng panahon sa mga mahal niya sa buhay tulad ni Kobe.

"I wish I could say something to him again," panghihinayang ni Shaquille.

Para sa kanya, ang pagkawala ni Kobe ay kawalan din ng mundo "greatest basketball player"

Narito ang kabuuan ng video:

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Related news