Hinihinalang infected ng coronavirus na in-admit sa San Lazaro Hospital, pumanaw na

- Pumanaw na ang isang 29-anyos na mula Yunnan, China na na-admit sa San Lazaro Hospital nitong Lunes, Enero 27

- Mismong ang direktor ng ospital ang nag-anunsyo ng pagkamatay ng lalaki na ang sinasabing cause of death ay pneumonia

- HIV positive din daw ang lalaki at marami pang iniindang sakit

- Hindi pa rin kumpirmado kung tinamaan nga ba ito ng nakamamatay na novel coronavirus ngunit patuloy pa rin ang imbestigasyon ukol dito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pumanaw na ang 29-anyos na Chinese mula Yunnan, China na na-admit sa San Lazaro Hospital nitong Lunes, Enero 27.

Sa isinagawang press briefing ni San Lazaro Hospital director Dr. Edmundo Lopez kasama ang Department of Health officials, sinabi nitong di pa kumpirmado kung infected ng nakamamatay na novel coronavirus ang lalaki.

Ngunit dahil mula ito sa China, isa ito sa kanilang inoobserbahan at iniimbestigahan gayung may ilan siyang sintomas nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kinumpirma rin ng direktor na ang sanhi ng pagkamatay ng pasyente ay pneumonia. HIV positive din daw ito at marami pang iniindang sakit.

Samantala, kumuha pa rin ng specimen mula sa yumaong Chinese national upang maipagpatuloy ang test kung mayroon nga itong nCov.

Samantala, nilinaw din ni Lopez na walang katotohanan ang nababalitang naka-lockdown ngayon ang San Lazaro Hospital dahil may namatay na ring doktor na umapula sa mga hinihinalang infected na pasyente.

23 na ang inoobserbahang mga pasyente sa bansa na hinihinalang may coronavirus ngunit hanggang ngayon, wala pa ring kumpirmadong kaso nito sa Pilipinas.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Related news