LET passer, pumanaw isang araw matapos lumabas ang resulta ng eksaminasyon

- Isang araw lamang nagdiwang ang 20-anyos na LET passer dahil pumanaw na ito matapos lumabas ang resulta ng board exam

- Tinamaan ito stage-5 Chronic kidney disease at matapos ang mahigit isang taon, di na ito kinaya pa ng kanyang katawan

- Isang guro rin ang kanyang ina na siyang naka-impluwensiya sa kanya na pasukin din ang pagtuturo

- Sa kabila ng karamdaman, di naging pabigat si Jessa at nakuha pa nitong tumulong sa ina sa pagtitinda ng isda at pagbabantay ng flower shop tuwing weekend

- Masasabing masaya naman daw ito bago pumanaw dahil sa tagumpay na natamasa sa board exams

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Magkahalong saya at lungkot ang nadarama ng pamilya ni Jessa Ganigan na kapapasa lamang sa Licensure Examinations for Teachers (LET) ngunit pumanaw din matapos ang isang iraw mula nang lumabas ang resulta.

Ayon sa PRC board.com, tubong La Union ang 20 anyos na si Jessa na tinamaan ng Chronic kidney disease.

Napag-alaman nila ito Hunyo ng nakaraang taon at sa kasamaang palad, stage 5 na ito.

Ang Chronic kidney disease ay isang karamdaman kung saan unti-unti nang di gumagana ng tama ang kidney na siyang nagsasala ng mga dumi ng ating katawan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kwento ng ina ni Jessa na dati ring guro, siya ang nakahimok sa anak upang pasukin ang pagtuturo.

Naalala niyang isinasabay ng kanyang anak ang pagrereview sa para sa LET ang pagda-dialysis.Apat na buwan din ang binuno ni Jessa sa pagre-review.

Balak na rin sana nila itong ipa-kidney transplant ngunit di na ito naabot pa ng anak.

Proud ang ina ng bagong guro dahil kahit mayroon itong karamdaman, di ito naging pabigat sa kanila.

Katunayan, ito raw ang tumutulong sa kanya sa pagbebenta ng isda at magbantay ng flower shop noong kalakasan pa nito.

Disyembre 1 nang isugod sa ospital si Jessa. Sa kabila ng sitwasyon, naging masaya pa rin ito nang malamang pumasa siya sa LET at isa na siyang propesyunal na guro.

Napagawan pa nila ito ng tarpaulin na kanilang isinabit sa tabi ng hospital bed ni Jessa.

Sa kasamaang palad, pumanaw na rin ito noong Disyembre 3.

Ramdam ng ina na kahit ito ang sinapit ng anak, alam niyang naging masaya ito hanggang sa kanyang huling hininga.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Related news