Mag-asawang kinalimutan ng mga anak at nakatira lang sa tent, nakalipat na

- Matapos na mag-viral ang kwento ng lolo at lola na mula sa Linabuan Norte, Kalibo, Aklan, dinagsa na sila ng tulong

- Marami ang naantig ang damdamin sa mag-asawa lalo pa nang malaman nilang iisang anak na lamang ng mga ito ang nagmamalasakit habang ang iba ay tila nakalimutan na raw ang mga magulang

- Dahil dito, nabiyayaan din ng maayos na tirahan ang mag-asawa na may kuryente na at iba pang kagamitan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dinagsa ng tulong ang mag-asawang mula sa Linabuan Norte, Kalibo, Aklan na nakatira lamang sa sirang tent sa tabi ng kalsada.

Sa unang balita ng KAMI, makikita ang kalunos-lunos na kalagayan ng mag-asawa na nakalimutan na raw ng mga anak na nasa Maynila at mayroon pa pala na nasa Japan.

Tanging isang lalaki nilang anak ang nagmamalasakit sa mag-asawa. At kung wala ring maibigay ang anak na nila na ito, wala rin silang makakain.

Dahil sa marami ang nadurog ang puso sa kwento ng mag-asawa, sunod-sunod ang biyayang kanilang natatanggap.

Sa tulong pa rin ni Archie Hilario ng Energy FM Kalibo, naihatid ang mga tulong para sa mag-asawa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kinumbinsi na rin sila na lumipat sa isang simpleng kubo na may kuryente at may maayos na higaan.

Sa una'y ayaw pa ng mag-asawa dahil sa nakagawian nilang buhay noong nakatira lang sila sa sirang tent.

Ngunit nang patuloy na dumarating sa kanila ang tulong gaya ng mga kagamitan at pagkain, unti-unti nang nasasanay ang dalawa.

Mayroon na rin silang telebisyon at radio na kanilang napapaglibangan.

Binibisita pa rin sila ng isang anak na lalaki pati na rin ng pamilya nito kaya naman naiibsan ang kanilang kalungkutan.

Narito ang kabuuan ng video:

Related news