Julia Barretto likes Gerald Anderson's photo, netizens react

- Hindi nakaligtas sa mapanuring mata ng netizens ang paglike ni Julia Barretto sa picture na ibinahagi ni Gerald Anderson sa Instagram

- Sa gitna ng naging usap-usapan sa tunay na namamagitan sa kanila ng aktor, hindi nagpatinag ang aktres

- Matatandaang naging mainit sa mata ng publiko ang dalawa matapos ang kontrobersiyal na paghihiwalay nina Bea Alonzo at Gerald Anderson

- Nadawit ang pangalan ni Julia matapos lumabas ang spekulasyon na niloko ng aktor si Bea

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muling naging usap-usapan ang isyu nina Gerald Anderson at Julia Barretto kamakailan. Ito ay matapos mapansin ng mga netizens ang pag-like ni Julia Barretto sa isang picture ni Gerald na kanyang ibinahagi sa Instagram.

Sa unti-unting pagkamatay ng isyu, tila muling naging dahilan ang simpleng pag-like na ito ni Julia upang muling mag-react ang ilang netizens.

Gayunpaman, hindi na nagsasalita sina Bea Alonzo, Gerald at Julia kaugnay sa isyu. Ayon pa kay Bea, nakapag-move-on na siya mula sa sakit na idinulot ng kanyang ex.

Matatandaang sa isang guesting ni Bea at Angelica Panganiban sa Gandang Gabi Vice, ibinilin diumano ni Bea na sunugin ni Angelica ang bahay niya kapag binalikan pa nito ang ex niya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, narito ang ilan sa mga naging reaksiyon ng netizens sa napansing paglike ni Julia sa Instagram post ni Gerald na naibahagi ng online gossip blog site na Fashion PULIS :

And so what?! Pareho naman single

Anong so what? Eh di totoo pala! Yun yun hahaha. Pero kebs lang nakamove on na tao pero ‘yung pagkanega nila ewan ko kung magmove pa

Kayo na lang hindi maka move on

Anong "so what?" #delikadeza please

Ewan ko sayo at Bakit napaka big deal sayo na ni like niya . Eh Kung totoo naman pala eh Anu ngayon? Ikaw na inagawan at sinaktan? Malamang hinde.

Yuck, she is shameless talaga.

Shameless? Hindi ba dapat tayo yun? Kasi nakiki tsismis tayo sa buhay nila. Bea is OK now. Why can't you accept that they are not meant to be? Grow up, ganyan talaga. Not everyone you have a relationship with ends up in marriage. Heck! Marriage does not even guarantee a happy ever after. Move on

Si Julia Barretto ay anak ng komedyanteng si Dennis Padilla at aktres na si Marjorie Barretto. Nagsimula siya sa showbiz bilang si Anna Calugdan sa fantaseryeng Kokey sa Abs-cbn. Dahil sa galing niya sa pag-arte ay naging bahagi siya ng maraming mga serye at pelikula. Ilan sa mga ito ay Gulong ng Palad, Walang Kapalit, Palos, And I Love You So, A Love To Last, Para Sa Hopeless Romantic, and Vince and Kath and James.

POPULAR: Read more about Julia Barretto Here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Related news