Buong pamilya, sabay-sabay na tinamaan ng iba't ibang uri ng kanser

- Ang ina, ama at maging ang anak ng pamliyang ito ay tinamaan ng iba't ibang klase ng cancer

- Sadyang napakahirap para sa bawat isa sa kanila dahil lahat at dapat mabigyan ng atensyon medikal

- Sa isa't isa na rin sila kumukuha ng lakas upang paglabanan ang pagsubok ng kanilang pamilya

- Kamakailan ay nagbukas sila ng kanilang restaurant dahil sa kinakailangan talaga nila ng pagkakakitaan upang sila ay mayroong pampagamot at madugtong pa ang kanilang buhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Lubhang masakit para sa pamilyang Desclef ang kinakaharap nila ngayon dahil silang tatlo ay tinamaan ng iba't ibang uri ng cancer.

Ayon sa ulat ni Lauren M. Johnson ng CNN, limang taon na ang nakalipas nang matuklasan ng ina na si Kathy Desclef na mayroon siyang non-Hodgkin's lymphoma.

Agosto ng kasalukuyang taon naman nang mapag-alamang may brain tumor ang ama na si Benoit Desclef at sa kasamaang palad at di na raw ito maaring ma-operahan pa. Sa kasamaang palad, maari na lamang daw itong tumagal ng 12 taon pag sinuwerte pa rin.

Nito lamang Oktubre nang malamang pati ang anak nilang si Luke ay tinamaan din ng Hodgkin's lymphoma. Ngunit ayon sa mga doktor nito, malaki ang tyansa na malampasan ito ng bintilyo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Isang French chef si Beboit at naisipan nilang lumipat sa Jacksonville, Florida upang magbukas ng kanilang restaurant na kanilang tinawag na The Magnificat Cafe.

Bukod sa pangarap nilang mamuhay sa Amerika, kinakailangan nila ng maayos na pagkakakitaan para sa kanilang pagpapagamot.

Dahil dito, nanawagan sila na tangkilikin ang restaurant lalo na panahong ito na dumadaan sa matinding pagsubok ang kanilang pamilya.

Sa tindi ng pinagdaraanan ng kanilang pamilya, tiwala lamang daw sa Diyos ang kanilang pinanghahawakan.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Related news