Pinoy surfer, isinuko ang medalya para sagipin ang 1 banyagang katunggali

- Wala mang nakuhang medalya, maipagmamalaki pa rin ng buong bansa ang isang Pinoy surfer

- Sa halip kasi na magpatuloy sa laban para sa medalya ay sinagip nito ang isang Indonesian athlete na nalagay sa peligro

- Ayon sa ulat, bago maganap ang insidente ay nakakuha ng mataas na puntos ang Pinoy surfer na posibleng magbigay ng kalamangan sa kanya

- Nagpasalamat at pinuri naman ng Indonesian team ang atletang Pinoy

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Umani ng paghanga at papuri ang Pilipinong surfer na si Rogelio Casogay matapos nitong iligtas ang katunggaling Indonesian na si Arip Nurhidayat.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, naputol ang leg rope ni Arip sa kanilang head-to-head match sa Southeast Asian Games men's longboard competition sa La Union nitong Biyernes.

Kaya naman napasugod si Casogay para tulungan siya.

“Tinulungan ko na siya. Ina-announce na kasi na malayo na siya,” sabi ni Casogay.

Bago mangyari ang insidente, nakakuha pa raw ng mataas ng score si Casogay na magbibigay kalamangan sana sa kanya para sa third qualifying round sa longboard category.

Sabi naman ng coach ng Philippine surfing team na si Luke Landrigan, may pagkakataon sana na malamangan ni Casogay si Arip ngunit mas pinili pa rin nito ang sagipin ang kapwa atleta.

Maaari naman daw kasing mabigyan ng extra na surf board si Arip.

“It’s more than surfing. Malaki ’yung alon. Kahit na kalaban natin ’yun, ang No. 1 na goal pa rin natin dito is safe and have a good and friendly competition kahit na at stake ’yung gold, silver, bronze,” sabi nito.

Bukod sa pasasalamat, pinuri rin ng Indonesian team si Casogay dahil sa kanyang ipinamalas.

“Thank you to all the Filipinos and also to Roger Casogay. He coming toward our rider and helping each other. They stand up together in one board, that’s what we call we win as one,” sabi ni Indonesian surfing coach, Arya Subyatko.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Related news