Timor Leste official, lubos na nagpapasalamat sa suporta ng mga Pinoy

- Nagpasalamat ang isang opisyal mula sa Timor Leste sa suportang binibigay sa kanila ng mga Pilipino

- Kamakailan ay bumuhos ang suporta sa naturang bansa upang palakasin ang loob ng mga delegado nila at makakuha rin ng medalya

- Masaya raw ang opisyal sa pinaramdam sa kanila na suporta ng mamamayang Pilipino

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos mag-trending ang taos-pusong suporta ng mga Pinoy sa bansang Timor Leste para sa 30th Southeast Asian Games, lumabas naman ang interview ng head of delegation ng nasabing bansa na si NOC Vice President Vicente Carvalho da Silva.

Sa video na binahagi ng Usap Usap University, naitanong kay da Silva kung nakarating na sila ang suporta ng mga Pilipino na kalat na kalat na sa social media.

Kamakailan kasi ay nag-viral ang mga post na may #TimorLeste na wala pa umanong nakukuhang medalya para sa kanilang bansa.

Ang Pilipinas, bilang nangunguna pa rin sa mga medalyang nakamit, ay nagpabatid pa rin ng suporta sa Timor Leste.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hangad ng marami na makapag-uwi rin ng medalya ang nasabing bansa.

Nais din ng ating mga kababayan na may ipagdiwang ng mga taga-Timor Leste sa pagbabalik nila sa kanilang bansa.

Dahil dito, taos-puso ring nagpasalamat ang opisyal at natutuwa raw siya sa suporta ng mga Piipino sa kanila.

Hangad din ng marami na humabol ang naturang bansa na makapag-uwi ng mas higit na medalya kumpara noong 2017 Southeast Asian Games kung saan tatlo ang kanilang nakuha.

Narito ang kabuuan ng panayam:

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Related news