Wala na raw siyang "hero": PWD, di iniwan ang mamaka-isa niyang BFF sa huling sandali

Wala na raw siyang "hero": PWD, di iniwan ang mamaka-isa niyang BFF sa huling sandali

- Viral ang nakakaantig na kwento na nasaksihan ng isang netizen sa East Ramon Magsaysay Memorial Medical Center sa Quezon City

- Nakasabay kasi ng pagdadala niya sa kanyang nanay sa ospital ang isang PWD na namatayan ng kaibigan

- Nakaramdam lamang daw ng pananakit ng dibdib ang kaibigan at bigla na lamang itong bumulagta sa kalsada

- "Hero" raw niyang maituturing ang matalik na kaibigan dahil ito ang tagapagtanggol niya sa mga taong kumukutya sa kanyang anyo

- Ito rin daw ang matiyagang naghahatid sa kanya sa kanyang pwesto kung saan siya nagtitinda

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakakatunaw ng puso ang kwento ng isang PWD na si Norly Solano na di iniwan ang kanyang matalik na kaibigan hanggang sa huling sandali nito.

Ayon sa Philippine Star, nakasabay daw sa ospital ng netizen na si Jenny Rose Prudente si Norly na noo'y nagdadalamhati na pala sa pagkamatay ng kanyang kaibigan.

Nang inaasikaso na ng mga doktor ng East Ramon Magsaysay Memorial Medical Center sa Quezon City ang ina ni Prudente na kanyang sinugod sa ospital, ipinasok naman sa emergency room ang isang lalaki na di na agad tumagal pa ang buhay.

Nang tanungin ng staff ng ospital kung sino ang kasama ng pumanaw na lalaki, doon niya nakita na si Norly pala ang naroon at di iniwan ang kaibigan.

Matapos makausap ng hospital staff si Norly, nakausap ito ng maayos ni Jenny at doon niya nausisa ang mas lalong nakakadurog ng puso na kwento nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayon kay Norly, "bayani" ng kanyang buhay ang yumaong kaibigan dahil ito ang nagtatanggol sa kanya sa tuwing may kumukutya sa kanyang anyo.

Ito rin ang matiyagang naghahatid sa PWD sa pwesto nito sa Gilmore, Quezon City kung saan siya nagtitinda ng candy at sigarilyo.

At nang araw na iyon, Nobyembre 8, ihahatid muli sana ng kaibigan si Norly nang makaramdam ito ng paninikip ng dibdib.

Nagawa pa umano nitong huminto bago bumulagta sa daan. Mabuti na lamang at may nagmalasakit na taxi driver at nadala sa ospital ang lalaki.

Dahil sa wala raw kilala si Norly na kamag-anak ng kaibigan, sisiguraduhin pa rin daw niyang may maayos na libing ang kanyang matalik na kaibigan.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

This Engineering Student-Athlete Of UST-ECE made history with his achievement! "Don't give up because of the people who question your capability. Don't give up because of the people who discourage you from reaching your dreams" – on KAMI HumanMeterYouTube channel

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel