Military nurse, walang awang pinaslang ng construction worker na kanyang tinutulungan
- Walang awang pinagsasaksak ng isang construction worker ang military nurse na si 2nd Lieutenant Jennett Beron Aguilar sa Makati City
- 19-anyos na binatilyo ang suspek na tinutulungan pala ng biktima dala ng awa nito
- Nahuli ang suspek at na-recover ang cellphone ni Aguilar
- Dinala pa sa ospital ang biktima ngunit binawian na rin ito ng buhay
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Kalunos-lunos ang sinapit ng military nurse na si 2nd Lieutenant Jennett Beron Aguilar nang pagsasaksakin ito ng isang 19-anyos na binatilyo sa Barangay Comembo, Makati nitong Huwebes, Nobyembre 14.
Ayon sa Rappler, nag-aabang ng jeep ang military nurse at may kausap ito sa kanyang cellphone nang pagsasaksakin ito ni John Louie Brosas.
Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na ang 19-anyos na suspek ay kilala ng biktima.
Construction worker ito sa isang site malapit sa tahanan ni Aguilar at tinutulung-tulungan pa niya ito.
Dala raw marahil ng awa sa kalagayan ng binatilyo, binibigyan ni Aguilar ng pagkain ang suspek at minsan ay perang pambili nito ng bigas.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Nauutusan niya rin ito maging sa paglilinis ng kotse saka niya binibigyan ng tulong pinansyal.
Nakatakbo man ang suspek ngunit nadakip naman ito sa construction site kung saan ito nagtatrabaho makalipas ang dalawang oras mula nang isinagawa niya ang krimen.
Nakuha sa suspek ang cellphone ng biktima. Depensa nito, tinangka raw siyang hamapsin ng biktima kaya bilang ganti nagawa raw niya itong saksakin.
POPULAR: Read more viral stories here
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
This Engineering Student-Athlete Of UST-ECE made history with his achievement! "Don't give up because of the people who question your capability. Don't give up because of the people who discourage you from reaching your dreams" – on KAMI HumanMeter YouTube channel
Source: KAMI.com.gh