9-year-old na genius, magtatapos na ng kolehiyo at may plano pang kumuha ng PhD

9-year-old na genius, magtatapos na ng kolehiyo at may plano pang kumuha ng PhD

- Isang 9 anyos na genius ang nagpamalas ng kanyang talino sa kolehiyo

- Sa kanyang murang edad, magtatapos na sa kolehiyo ang bata sa kursong electrical engineering

- Plano rin niya na kumuha ng PhD habang nag-aaral ng medisina

- Ang boy genius ang pinakabatang magtatapos ng kolehiyo sa buong mundo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang 9 anyos na batang lalaki ang ipinamalas ang pagiging genius niya.

Nalaman ng KAMI na sa murang edad ay magtatapos na ito ng college sa kursong electrical engineering sa Eindhoven University of Technology (TUE) sa Belgium.

Ayon sa ulat ng CNN, si Laurent Simons na ang pinakabatang ga-graduate sa college sa buong mundo ngayong December 2019.

Sabi ng kanyang tatay na si Alexander Simons, may plano ring kumuha ng PhD sa electrical engineering si Laurent habang nag-aaral ng medisina.

Ang pamilya ni Laurent ay mula sa pamilya ng mga doktor. Subalit, hanggang ngayon ay walang paliwanag kung bakit mabilis matuto ang bata.

“I ate a lot of fish during the pregnancy," biro ng nanay niyang si Lydia.

Pinayagan ng unibersidad na tapusin kaagad ni Laurent ang kanyang kurso kumpara sa ibang mga estudyante.

"Special students that have good reasons for doing so can arrange an adjusted schedule. In much the same way we help students who participate in top sport,” sabi ni Sjoerd Hulshof na education director ng TUE.

"Laurent is the fastest student we have ever had here. Not only is he hyper intelligent but also a very sympathetic boy,” dagdag pa nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Giit naman ng mga magulang ng batang genius, binabalanse pa rin nila ang buhay ni Laurent.

"We don't want him to get too serious. He does whatever he likes. We need to find a balance between being a child and his talents,” sabi ni Alexander.

Bago ipagpatuloy ni Laurent ang kanyang journey sa pag-aaral, may plano muna siyang magbakasyon sa Japan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Check out the latest episode of our Tricky Questions segment as we asked some students to translate Tagalog sentences into English! Their responses were absolutely crazy and hilarious! You can watch all of our exciting videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel