Traffic officer, pinuri dahil sa pagiging kalmado habang inaaway ng galit na senior citizen

Traffic officer, pinuri dahil sa pagiging kalmado habang inaaway ng galit na senior citizen

- Isang video ang naging viral sa social media dahil sa senior citizen na sobra ang galit

- Ayon sa matanda, nilagyan daw ng clamp ng Manila Traffic and Parking Bureau ang kanyang sasakyan

- Kahit na labis ang galit ng matanda, kalmado pa rin siyang kinausap ng MTPB officer

- Napabilib din ang mga netizens sa pagiging kalmado ng officer sa senior citizen

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang video ang kumalat sa social media kung saan makikita ang galit na senior citizen sa isang officer ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB).

Nalaman ng KAMI na pinagmumumura ng matanda ang officer dahil nilagyan ng clamp ang sasakyan nito sa daan.

Ayon sa ulat ng Philippine News, nilagyan ng clamp ang sasakyan ng matanda dahil nakaparada ito umano sa Mabuhay lane kung saan hindi pwedeng huminto o pumarada.

Kahit na tuloy-tuloy ang pagsasalita nang hindi maganda ng matanda, kalmado pa rin itong sinasagot ng officer.

“Bakit po kayo nagmumura? Ano po kasi ‘yung lugar na ‘yan, Mabuhay lane po ‘yan. Bawal po pumarada sa Mabuhay lane. ‘Wag niyo po ako mumurahin,” giit ng officer.

Isang officer din ang lumapit upang pakalmahin ang matanda dahil baka atakihin pa raw ito sa galit at init ng panahon.

Kahit na pinapapunta sa silong ang matanda, patuloy pa rin ang pagmumura nito at galit sa mga officers.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, bumilib naman ang mga netizens sa pagiging kalmado ng officers. Narito nga ang kanilang mga komento sa Facebook video:

“Saludo ako sa inyo mga sir ang galing... Yaan nyo lang si tatay..”
“Buti nman c kuya mhaba psncya,,,”
“highblood si tatay..kudos sa inyo mga sir, kahit minura na kayo,kalmado parin kayo..”
“Saludo ako.. sa inyo mga sir...”
“sana all salute ako sir”

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Check out the latest episode of our Tricky Questions segment as we asked some students to translate Tagalog sentences into English! Their responses were absolutely crazy and hilarious! You can watch all of our exciting videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel