98-anyos na ina, lumipat ng home care upang maalagaan ang 80-anyos na anak

98-anyos na ina, lumipat ng home care upang maalagaan ang 80-anyos na anak

- Viral ang kwento ng mag-ina sa Liverpool na sa kabila ng kanilang edad ay masaya pa ring nabubuhay

- Nagpalipat pa raw talaga ng home care ang ina upang makasama at maalagaan ang kanyang anak

- Kitang-kita sa mag-ina ang kaligayahan at magkapiling muli sila

- Patunay daw ito na walang pinipiling edad ang pagiging isang ina na handang isakripisyo ang lahat para sa anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang naantig sa kwento ng mag-inang sina Ada at Tom Keating ng Liverpool. Si Ada na 90-anyos na ay nagpalipat ng home care para lamang makasama ang 80-anyos na anak na si Tom.

Ayon sa post ng Hope 103.2 walang pagsidlan ng kaligayan ang mag-ina nang muli silang magkasama.

Nalaman ng KAMI na halos buong buhay magkasama ang dalawa hanggang sa kinailangang ilagay sa home care ang ina na si Ada.

Di tulad dito sa Pilipinas kung saan inaalagaan pa rin ng mga kaaanak ang mga matanda na nilang mahal sa buhay, sa bansang tulad ng Liverpool sa United Kingdom, nilalagay na sa home for the aged ang mga nakatatanda upang doon maalagaan.

Ngayong 80 na si Tom, nilagak na rin siy sa home care kaya naman nang malaman ito ng ina, nagpalipat siya kung nasaan ang anak.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bakas sa mukha ng mag-ina ang labis na kaligayahan na sila ay nagkasamang muli.

Hindi kasi nagkaroon ng sariling pamilya si Tom kaya naman magkasama talaga sila ni Ada noon pa man. Kaya naman si Tom ang pinakamalapit sa ina kahit pa apat silang magkakapatid.

Ngayon at di na biro ang kanilang inabot na edad, wala na silang ibang ginagawa kundi ang sulitin ang bawat oras na sila ay magkasama.

Maging ang mga kasama nila sa home care ay labis na namamangha sa pagmamahalan ng mag-ina.

Patunay lamang daw na walang pinipiling edad ang pagiging ina na handang ibigay at isakripisyo ang lahat para sa kanilang anak.

Narito ang kabuuan ng panayam sa mag-inang sina Ada at Tom.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

This Engineering Student-Athlete Of UST-ECE made history with his achievement! "Don't give up because of the people who question your capability. Don't give up because of the people who discourage you from reaching your dreams" – on KAMI HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel