Tangkang pambibiktima ng driver ng UV express sa babaeng pasahero, sapul sa CCTV

Tangkang pambibiktima ng driver ng UV express sa babaeng pasahero, sapul sa CCTV

- Nakunan ng CCTV ang di magandang balak ng isang driver ng UV express sa babaeng pasahero

- Umamin ang babae na nakita niyang walang signage ang UV ngunit pinasakay pa rin siya ng driver

- Dinala ang babae sa isang dead-end at inihinto ang sasakyan

- Doon kinutuban na ang biktima kaya naman nag-isip na siya ng paraan upang makatakas

- Mabilis na nakatakbo ang babae at di na naabutan pa ng driver

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sapul sa CCTV ang tangkang pambibiktima ng isang UV express driver sa babaeng nagpakilala na lamang bilang Gemma.

Ayon sa ABS-CBN news, papunta ng pamlengke si Gemma noong Nobyembre 1 nang parahin siya ng isang UV express.

Nalaman ng KAMI na nagduda na raw si Gemma dahil sa walang sign board ang sasakyan. Ngunit sinabi raw ng driver na dadaan din naman siyang bayan kung saan mamalengke si Gemma.

Ngunit bago pa makarating sa palengke, nagsabi ang driver na dadaan daw muna sila ng operator ng UV.

Inihinto ng lalaki ang sasakyan sa isang dead-end sa Marikina City. Maya-maya pa'y pumunta na ang driver sa tabi ni Gemma at sinabing may kukunin daw siya malapit sa pasahero.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kinutuban na ang babae na di na maganda ang nangyayari lalo pa nang magbanta na ang driver na papatayin siya nito.

Nagawang manlaban ni Gemma at siya'y masuwerteng nakatakas.

Makikita sa CCTV na sinubukan pa ng lalaki na habulin si Gemma ngunit dala ng matinding takot ay kumaripas na talaga ito ng takbo.

Magsilbing babala ito sa mga kababaihang sumasakay ng UV express. Maaring di lamang sa Marikina ito maganap lalo pa at di pa rin nahuhuli ang lalaking nagtangka sa buhay ni Gemma.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

This Engineering Student-Athlete Of UST-ECE made history with his achievement! "Don't give up because of the people who question your capability. Don't give up because of the people who discourage you from reaching your dreams" – on KAMI HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Hot:
Mga
Mailfire view pixel