Sanggol na tinangay ng yaya, naisauli na sa mga magulang sa tulong ni Raffy Tulfo at netizens

Sanggol na tinangay ng yaya, naisauli na sa mga magulang sa tulong ni Raffy Tulfo at netizens

- Sa wakas ay naisauli na ang sanggol na napabalitang tinangay ng kanyang yaya

- Humingi ng tawad ang yaya sa mga magulang ng kanyang alagang magli-limang buwan pa lamang

- Gayunpaman, nanindigan ang mga magulang ng bata na itutuloy nila ang kaso para mabigyan ng leksiyon ang suspek

- Matatandaang pumutok ang balita tungkol sa pagtangay sa sanggol nitong November 13

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa wakas ay sumuko na si Kristine Joy Salik sa programa ni Raffy Tulfo. Nagpatago din ito sa pangalang "Minda" at nagtakip ng mukha kagaya ng ilang mga inirereklamo sa nasabing programa.

Napag-alaman ng KAMI mula sa programang Wanted sa Radyo na ang lolo ng sanggol ang siyang nagrekomenda kay Salik.

Katwiran ng yaya, wala siyang balak na masama sa bata at kukuha lamang daw siya ng padala kaya isinama ang bata. Natakot lamang daw siya dahil biglang nag-post ang ina ng bata na kinidnap niya ang sanggol.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Lumuhod sa paghihingi ng tawad si Salik sa mga magulang. Gayunpaman, tila hindi kumbinsido ang mag-asawang sina Princess Perrin at Eric Victoriano sa kanyang paliwanag.

Nanindigan ang mag-asawang itutuloy nila ang kaso. Nagpasalamat naman ang ina ng bata sa mga netizens na isa sa naging susi para maibalik ang kanilang anak.

Isa din sa nais linawin ng mag-asawa ay kung kasabwat ng yaya ang asawa nito. Ito ay matapos makarating sa mag-asawa ang screenshots ng post ng Facebook account diumano ng asawa niya na tila inaangkin nila ang bata

Giniit ni Salik na na walang kinalaman ang asawa niyang construction worker. Aniya, siya din ang may hawak sa Facebook account ng asawa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Can you translate all these phrases from Filipino into English? Tricky Questions: Translate "Kumain Ka Na" Into English on KAMI HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel