Taxi driver, matapang na ginamit ang pangalan ng Tulfo brothers para makahuthot ng pera

Taxi driver, matapang na ginamit ang pangalan ng Tulfo brothers para makahuthot ng pera

- Nasabon ni Raffy Tulfo sa kanyang programa ang miyembro ng Radyo singko taxi squad

- Nangingikil umano ito ng ₱1,000 sa mga OFW na kanyang nakakausap online

- Ito raw ay tulong na kanyang ipaabot kay Alexander Grutal, ang matandang inakusahan ng pambabastos sa e-jeep

- Galit na kinastigo ni Idol Raffy ang driver na sinusubukan pang lumusot kahit napakarami nang ebidensyang hawak ng host

- Minsan nang nakilala ng taxi driver ang anak ni Alexander na si Xian Grutal ngunit di pa rin niya pinahihintulutang gawin ang panghihingi ng pera sa mga OFW

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Di na napigilan pa ni Raffy Tulfo ang kanyang sama ng loob sa lalaking si Johnel Sese De Guzman nang malamang ginagamit di umano nito ang kanyang pangalan sa panghihingi ng pera sa mga OFW.

Sa isang episode ng Raffy Tulfo in Action, kinastigo ng host si De Guzman dahil napakalaking kasiraan ang ginagawa nito lalo na sa programa na ang layunin ay makatulong.

Nakarating kasi kay Idol Raffy na nanghihingi umano si De Guzman sa mga OFW ng tig-iisang libong piso para raw kay Tatay Alexander Grutal.

Si Tatay Alex ang matanda na nabugbog sa viral video na kuha sa e-jeep.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Galit na galit si Idol dahil maging ang kanyang mga kapatid ay nadamay din sa ginawang group chat ni De Guzman.

At kahit pa napakarami nang ebidensya ni Idol Raffy sa kanya mismong cellphone, sumusubok pa ring lumusot ng lalaki.

Nang makapanayam pa nila ang anak ni Tatay Alex na si Xian, doon nila nalaman na di naman sila magkakilala ni De Guzman. Ito ay dahil isa rin ang taxi driver na tumulong sa kanyang mapabilis ang pagpasok sa Radyo singko.

Nilinaw din ni Xian na hindi sila nanghihingi ng pera, at ang hiling niya'y suportahan ang munting negosyo na bigay ng Raffy Tulfo in Action at ni Atty.Villamor.

Narito ang kabuuan ng video:

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

This Engineering Student-Athlete Of UST-ECE made history with his achievement! "Don't give up because of the people who question your capability. Don't give up because of the people who discourage you from reaching your dreams" – on KAMI HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel