Motorista, naging emosyonal sa hindi inaasahang tulong mula sa MMDA officers

Motorista, naging emosyonal sa hindi inaasahang tulong mula sa MMDA officers

- Trending sa social media ngayon ang isang motorista at MMDA officers

- Ayon sa motorista, nagulat siya sa biglang kabaitang ipinakita ng mga officers sa kanya

- Bigla na lang daw kasi nasira ang kadena ng kanyang motorsiklo habang nagsasagawa ng operasyon ang MMDA

- Natuwa rin ang mga netizens sa kabaitang ipinakita ng mga MMDA

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tampok sa social media ngayon ang isang motorista matapos siyang tulungan ng mga Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) officers.

Nalaman ng KAMI na naging emosyonal ang motorista sa hindi inaasahang tulong mula sa mga taga-MMDA.

Ayon sa Facebook post ng netizen na si Morris Dela Cruz, hindi niya raw inaakala na ang MMDA officers pa ang tutulong sa kanya.

“Bigla naputol ang kadena ng motor ko. Eksakto naman na may operation ang mga MMDA ng matapat kami sa kanila ng maputol ang kadena ko,” sabi nito sa Facebook post.

“Sa hindi ko inaasahan ay lumapit sa akin ang 2 enforcer at tinanong kung mayroon akong gamit sa pag aayos,” dagdag pa nito.

Ayon kay Morris, nagbago ang kanyang tingin sa mga MMDA officers.

“Sa hindi ko inaasahan pangyayari yung dati ko pananaw sa kanila na mga buwaya sa kalye ay nabago... nagkaroon ako ng respeto at kasiyahan sa mga MMDA enforcer na ito na may malasakit sa mga kapwa nila motorista,” giit nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, labis din ang tuwa ng ibang mga netizens sa pagtulong ng MMDA officers. Narito nga ang kanilang mga komento sa Facebook:

“Sana pagpalain kau mga sir”
“Sa mga MMDA na yan.....Very considerate in manner”
“salute sa mga kuya MMDA, more blessing to come sa kanila...”
“Galing kuya sana all lahat ng mmda”
“Mabuhay po kayo at sana podumami po ang lahi nyo.”
“I bow my head in recognition of the exemplary deeds of.the 2 one of a kind MMDA enforcers. May your tribe increase!”
Mabuhay kau at pamarisan god blessed mga uliran ng kalye.
Minsan gumagawa ang Diyos ng paraan para mabago ang pananaw ng tao sa isang kisap mata! Thanks for sharing... Mabuhay po kayo mga MMDA at pagpalain nawa kayo ng ating Panginoon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

This Engineering Student-Athlete Of UST-ECE made history with his achievement! "Don't give up because of the people who question your capability. Don't give up because of the people who discourage you from reaching your dreams" – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel