Ina, inatake sa puso sa pagpapaliwanag sa anak ng assignment nito sa Math

Ina, inatake sa puso sa pagpapaliwanag sa anak ng assignment nito sa Math

- Isang ina sa China ang inatake di umano sa puso sa pagpapaliwanag sa anak ng Math assignment nito

- Tila naaburido na raw ito sa pagsasagot at pagtuturo sa anak ng takdang-aralin nito

- Aminadong nagalit ang ina dahil sa makailang beses na niya itong pinaliwanag ngunit di pa rin daw nakuha ng anak

- Bigla na lamang daw siyang nag-palpitate at inatake sa puso

- Agad naman itong naisugod ng kanyang mister sa ospital

- Kung di raw naagapan, maaring ikinamatay na nito ang pagtuturo sa anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang ina sa China ang labis na dinamdam ang pagtuturo sa kanyang anak ng takdang-aralin nito sa Math.

Ayon sa msn.com, naaburido na ang 36-anyos na ina sa pagtuturo ng Math sa anak nitong nasa primary level pa lamang.

Nalaman ng KAMI na inamin ng ina na nagalit ito sa anak.

Paulit-ulit na raw umano nitong pinaliliwanag sa anak ang solusyon sa Math problem ngunit di pa rin daw ito makuha ng anak.

Di nagtagal, nakaramdam na ng palpitation ang ina at di na siya makahinga sa tindi ng galit.

Agad naman niyang natawag ang kanyang mister at nadala naman siya sa ospital.

Ayon kay Doctor Yang Xiaoxue ng Xinhua Hospital nakaranas daw ang ina ng myocardial infarction o mas kilala sa tawag na atake sa puso.

Ina, inatake sa puso sa pagpapaliwanag sa anak ng assignment nito sa Math

source: msn
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang masaklap pa nito, kung hindi naagapan ng kanyang mister ang pagdadala sa kanya sa ospital, maaring ikinamatay pa ito ng ina.

Kasalukuyan pa ring nasa ospital ang ina at nagpapagaling.

Magsilbing babala sana ito sa mga magulang. Mahalagang alamin ang kakayanan at kahinaan ng anak. At kung sakali mang may mga bagay ito na di lubusang maunawaan, huwag daanin agad sa galit.

Di niyo alam, baka ito pa ang maging sanhi ng di inaasahang karamdaman.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

This Engineering Student-Athlete Of UST-ECE made history with his achievement! "Don't give up because of the people who question your capability. Don't give up because of the people who discourage you from reaching your dreams" – on KAMI HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel