Netizens, naaliw kay Regine Velasquez sa reaksyon nito kay Catriona Gray

Netizens, naaliw kay Regine Velasquez sa reaksyon nito kay Catriona Gray

- Viral ang video kung saan kitang-kita ang reaksyon ni Regine Velasquez nang makita niya si Miss Universe 2018, Catriona Gray

- Na-starstruck ang Asia's Songbird na tila ba'y nakalimutan niyang sikat siya

- Hindi maawat ang tingin nito kay Catriona habang nagsasalita ito sa entablado sa event ng Frontrow

- Dahil dito, maraming netizens ang lalong humanga kay Regine dahil sa pagpapakita raw nito ng pagpapakumbaba

- Sina Regine at Catriona ay dalawa lamang sa mga bigating endorsers ng Frontrow

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang natuwa kay Asia's Songbird Regine Velasquez sa ngayo'y viral video nito kung saan kitang-kita kung paano siya na-starstruck kay Miss Universe 2018, Catriona Gray.

Sa post ni Astorga Ong, makikitang tila nakalimutan ni Regine ang kanyang kasikatan nang mamangha siya kay Catriona habang nagsasalita ito sa entablado.

Magkasama ang dalawa sa isang bonggang event ng Frontrow na ginanap sa Philippine Arena noong Sabado, Nobyembre 9.

May caption ang post na "Yaan mo Regine, hindi ka nag-iisa" dahil sadyang nakakamangha ang ganda at talino ni Catriona na malapit na ring maglipat ng kanyang korona ngayong taon.

Samantala, mas lalo raw dumami ang humanga sa misis ni Ogie Alcasid dahil sa reaksyon niyang ito kay Catriona. Lumitaw daw kasi ang pagiging mapagkumbaba nito.

Nagpapatunay lamang na mabuti ang kalooban ng sikat na singer na kahit pa isa na ito sa mga iginagalang at tinitingala sa industriya ng showbiz ay nagawa pa rin niyang mamangha sa iba.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa mga komento pa ng netizens na tumaas lalo ang pagtingin kay Regine:

"Yung napangiti at napakutkot ka na lang ng daliri sa sobrang hanga kay Ms. U Catriona. Iba ka talaga Ms. Regine, so humble"
"Watching her looking at Catriona with so much admiration made me love her more"
"Nakakatuwa siya, di naiya naisip na sikat na sikat siya pero humanga pa rin siya sa iba"
"Very humble, pumalakpak pa talaga siya after magsalita ni Catriona"
"Nakakatuwa si Mama Reg, down to earth"

Umabot na sa mahigit 1.7 million views ang nakakaaliw na video na ito.

Si Regine Velasquez ay tinaguriang Asia's Songbird. Isa siya sa pinakamahuhusay na mang-aawit ng bansa mula pa noong 80's. Napangasawa niya ang singer-songwriter na si Ogie Alcasid at pareho na silang nasa Kapamilya network.

Halos isang taon na ang nakalipas nang magpakilala sa buong mundo si Catriona Gray nang tanghalin siya bilangMiss Universe 2018. Umangat di lamang ang kanyang ganda kundi maging ang kanyang talino sa prestihiyosong patimpalak. Siya ang ikaapat na Pilipinang nakoronahan ng Miss Universe.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

This Engineering Student-Athlete Of UST-ECE made history with his achievement! "Don't give up because of the people who question your capability. Don't give up because of the people who discourage you from reaching your dreams" – on KAMI HumanMeterYouTube channel

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel