Iba siya! Student-athlete ng UST, nagtapos ng kolehiyo na "with high honors"

Iba siya! Student-athlete ng UST, nagtapos ng kolehiyo na "with high honors"

- Nakakamangha ang kwento ng student-athlete ng UST na si Jay Patrick Nieles na nagtapos ng "with high honors"

- Pinatunayan niyang hindi lahat ng tulad niyang atleta ay di sineseryoso ang pag-aaral

- Marami man ang di naniwala noon sa kanyang kakayahan, kinaya pa rin niyang balansehin ang kanyang pag-aaral at ang buhay atleta

- Sa kabila ng napakarami niyang pinagdaanan sa kolehiyo, isa na ngayon siyang ganap na lisensyadong engineer

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

"Accidental athlete" lamang daw talaga si Jay Patrick Nieles ng University of Santo Tomas na may nakaka-inspire na kwento kung paano niya nabalanse ang pag-aaral at pagiging atleta.

Nalaman ng KAMI sa pahayag mismo kay Jay na produkto lamang siya ng Fun Run noong siya ay nasa first year high school pa lamang sa Chiang Kai Chek College sa Bacolod City.

Doon, kinakitaan siya ng potensyal ng kanyang coach kaya naman pinasama siya sa training ng pagtakbo.

Dahil nahasa na ang kanyang kakayahan, pinasali na siya sa mga kompetisyon sa takbuhan. Hanggang sa nagtuloy-tuloy na ito maging hanggang kolehiyo.

Nang maging student athlete na siya sa UST, doon niya naisip na di biro ang kanyang pinasok.

Aminado siyang pagod ang kalaban ng kanyang katawan lalo pa at isinasabay niya ito sa kanyang pag-aaral.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang masaklap, mayroon daw kasing 'stereotype' kung saan ang mga tulad niya ay di kayang panindigan ang pag-aaral.

Pinatunayan ni Jay na hindi lahat ng student-athlete ay ganoon na lamang ang sistema.

Nito lamang June, nagtapos siya ng kolehiyo ng "with high honors" sa kursong Electronics and Communication engineer.

Ang nakamamangha pa kay Jay, 10th placer pa siya sa katatapos lang na ECE board examinations nitong Oktubre.

Patunay lamang na kahit ang isang student athlete ay kayang magtagumpay sa kanyang pag-aaral.

Narito ang kabuuan ng nakaka-inspire na video ni Jay sa panayam sa kanya ng KAMI:

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Tricky Questions: Guess The Teleserye Challenge | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Hot:
Mailfire view pixel