19-anyos na dalagang allergic sa tubig, binahagi ang napakahirap niyang pinagdaraanan

19-anyos na dalagang allergic sa tubig, binahagi ang napakahirap niyang pinagdaraanan

- Ipinakita ng isang 19-anyos na dalaga ang kakaiba niyang kondisyon kung saan allergic siya sa tubig

- Hirap na hirap siyang maligo dahil sa sakit at kati na kanyang nararamdaman tuwing siya ay nababasa

- Inaabot pa ng ilang oras bago humupa ang sakit at kati kahit pa hindi na basa ang katawan

- Ang masaklap pa sa kanyang kalagayan, pigil na pigil din ang kanyang pag-iyak dahil ang luhang tutulo sa kanyang mata ay magiging sanhi rin ng pagsumpong ng kanyang kondisyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kaawa-awa ang kalagayan ng isang dalaga na hirap na hirap maligo dahil sa kanyang kakaibang kondisyon kung saan allergic siya sa tubig.

Sa isang video, binahagi ng babae kung paanong ang araw-araw niyang paliligo ay nagmistulang kalbaryo dahil sa sakit at kati na kanyang narraamdaman dulot ng kondisyon na tinatawag na "Aquagenic Pruitus".

Madalian lamang siyang nagbubuhos ng katawan sapagkat sa 5 hanggang 10 minuto mula nang siya ay mabasa, magsisimula nang manakit at mangati ng kanyang katawan.

Tumatagal ng hanggang tatlong oras ang pangangati at pananakit ng katawan dahil lamang sa tubig.

Kahit kasi hindi na basa nag katawan, dama pa rin niya ang bunga ng kanyang pagbabasa.

Ang masaklap pa rito, di rin siya makaiyak dahil maging ang pag-iyak ay maging sanhi ng pagsumpong ng kanyang kondisyon.

Narito ang kabuuan ng video na binahagi ni Ben Phillips:

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Tricky Questions: Guess The Teleserye Challenge | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel