Makati City, ₱24 million ang nilaang donasyon sa mga apektado ng lindol sa Mindanao

Makati City, ₱24 million ang nilaang donasyon sa mga apektado ng lindol sa Mindanao

- 24 million pesos ang nilaang donasyon ng lungsod ng Makati para sa mga biktima ng lindol sa Mindanao

- Bukod sa malaking halagang ito, magbibigay din ang lungsod ng mga school supplies at iba pang maaring kailanganin pa ng mga evacuees sa Davao del Sur at North Cotabato

- Magpapadala rin si Mayor Abby Binay ng mga psycho-social support teams upang magsagawa ng stress debriefing upang makatulong sa mga na-trauma dala ng malalakas na lindol na naranasan sa lugar

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Inanunsiyo ni Mayor Abby Binay ng Makati City ang pagbibigay ng ₱24 million na donasyon para sa mga survivors ng Mindanao quake kamakailan.

Ayon sa Metro News Central, inaprubahan na ng alkalde ng pinakamayamang lungsod sa bansa ang halagang ito upang makapagbigay tulong partikular na sa Davao del Sur at North Cotabato na labis na nasalanta ng matitinding pagyanig.

“The City of Makati empathizes with the victims of the recent earthquakes, and we would like to help them get back on their feet as soon as possible. Aside from financial aid, we will also share whatever resources we can spare,” pahayag ni Mayor Abby sa emergency meeting tungkol sa financial aid na ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bukod pa sa malaking halaga ng pera, magbibigay din ang lungsod ng mga school supplies para sa mga mag-aaral doon.

Magpapadala rin ng psycho-social support teams ang Makati upang magsagawa ng stress debriefing sa mga nakararanas ng trauma dulot ng malalakas na pagyanig.

Kasama rin sa pagpupulong na ito sina City Administrator Atty. Claro Certeza, City Legal Officer Atty. Michael Camiña, DILG-Makati Director Atty. Cherry Melodias, at Councilor Luis Javier Jr., among other DRRM Council members.

Inaasahang maibigay ang tulong na ito sa lalong madaling panahon.

Makati City, ₱24 million ang nilaang donasyon sa mga apektado ng lindol sa Mindanao

source: My Makati Facebook page
Source: Facebook

Samantala, sa naunang mga ulat ng KAMI, nakapagpadala na rin ang Mayor ng Maynila na si Isko Moreno ng tulong sa Mindanao gayundin ang alkalde ng Pasig na si Vico Sotto.

Sa ilalim kasi ng Philippine DRRM Act of 2010, ang mga local DRRM ay maaring mag-treansfer funds sa mga local government units na nasa "state of calamity". Ito ay matapos maauprubahan ng Sangguniang Panglungsod na nais magbigay ng tulong.

Si Mayor Abby Binay ang alkalde ng Makati City mula 2016 hanggang tang kasalukuyan. Siya ay isa sa mga anak ni Dating Bise Presidente Jejomar Binay na nanilbihan din bilang alkalde ng pinakamayamang lungsod sa bansa.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Tricky Questions: Guess The Teleserye Challenge | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel