Buntis na guro, patuloy ang pagtawid ng bangin at dagat para magturo kahit kabuwanan na niya

Buntis na guro, patuloy ang pagtawid ng bangin at dagat para magturo kahit kabuwanan na niya

- Isang buntis na guro ang patuloy na nagtuturo kahit na kabuwanan na nito

- Bangin at dagat ang tinatawiran ni Teacher Jay Ann dahil sa layo ng bahay niya sa paaralan

- Matagal umano bago aprubahan ng division office ang kanyang maternity leave

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang guro ang nagbahagi ng kanyang buhay habang nagdadalang tao siya.

Nalaman ng KAMI na 12 araw na lang bago manganak si Teacher Jay Ann Salibio ngunit patuloy pa rin ang kanyang pagtuturo sa Patag Elementary School Annex.

Ayon sa ulat ng Reel Time, hindi patag ang dinadaanan ni Teacher Jay Ann papuntang paaralan kung hindi dagat at bangin.

Alam ng guro na delikado nga ang kanyang dinadaanan papunta sa trabaho. Subalit, kailangan niyang gawin ito dahil wala pa ring guro ang pwedeng pumalit sa kanya. Ayaw din naman ng guro na iiwan na lang ang mga estudyante niya.

Sabi ni Teacher Jay Ann, ngayong buntis siya ay umaabot ng dalawa hanggang tatlong oras ang paglalakad niya papuntang school.

“Nangangatog na ang tuhod dahil sa sobrang layo ng lakarin po,” sabi niya.

“Bilang buntis po, nahihirapan din ako kasi minsan nga, sumasakit po ‘yung tiyan ko lalo nga po ngayon na panganakin na ‘yung buwan, October 29. Baka manganak po kaagad-agad ako kasi nga kabuwanan ko po,” dagdag niya pa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nagpasa na raw ng maternity leave si Teacher Jay Ann subalit hindi pa rin ito aprubado ng division office ng Occidental Mindoro.

Kailangan rin umalis ni Teacher Jay Ann ng isla dahil walang ospital doon kung saan siya pwedeng manganak. Hangad ng kanyang mga kapwa guro at estudyante ang kanyang ligtas na panganganak.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

This Engineering Student-Athlete Of UST-ECE made history with his achievement! "Don't give up because of the people who question your capability. Don't give up because of the people who discourage you from reaching your dreams" – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel