Inis daw si Yorme: Mayor Isko, dismayado sa basurang naiwan ng Divisoria street vendors

Inis daw si Yorme: Mayor Isko, dismayado sa basurang naiwan ng Divisoria street vendors

- Dismayado si Manila Mayor Isko Moreno nang madatnan niya ang santambak na basurang iniwan ng mga Divisoria street vendors

- Nakapagbitiw tuloy ng di kaaya-ayang salita ang alkalde nang makita niya ang dumi ng kalsadang minsan na niyang nilinis

- Kamakailan, pinayagan niyang magtinda muli ang mga street vendors ng Divi upang may kitain ang mga ito sa nalalapit na kapaskuhan

- Dahil sa nangyari, nagdesisyon ang alkalde na muling ipagbawal ang pagtitinda sa kalsada sa Divisoria

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Binahagi ni Manila Mayor Isko Moreno ang kanyang surpresang pag-iikot sa Ylaya Street sa Divisoria, Tondo, Manila.

Sumambulat lang naman sa kanya ang marumi, makalat at santambak na namang basura ng mga street vendors sa lugar.

Sa naunang ulat ng KAMI, matatandaang pinayagan na ni Mayor Isko ang muling pagtitinda ng mga street vendors sa Divisoria ngunit may kaukulang mga kondisyon.

Ngunit ngayong Lunes, Nobyembre 11, sa pag-iikot ng alkalde bandang 5:30 pa lamang ng umaga, kitang-kita kung paano sumuway ang mga tindero roon.

Dahil sa mga nakita, di naiwasang makapagbitaw ng di magagandang salita ni Yorme Isko sa mga naabutang tindero roon. Narito ang ilan sa kanyang mga nasambit:

“Hindi ba kayo nahihiya o talagang baboy kayo sa bahay?"

"Kailangan ko pa kayong surpresahin, pinaghahanapbuhay ko na nga kayo e!"

"Wala, walang kusa, kahit anong awa mo sa kanila"

"Naaawa ka sa kanila para makapaghanapbuhay..."

Bagaman at malumanay pa rin naman ang pagkakasabi nito ng alkalde, kitang-kita sa kanyang mukha ang labis na pagkadismaya.

Dahil dito, pinagbawal na muli ng Mayor ng Maynila ang pagtitinda sa naturang lugar na minsan na niya kasing nilinis at inayos para na rin sa seguridad ng mga taga roon.

Narito ang kabuuan ng video:

Si Francisco “Isko Moreno” Domagoso o mas kilala sa tawag na "Yorme Isko" ay ang ika-27 na mayor ng Manila City. Minsan na siyang naglingkod bilang bise alkalde ng dating Mayor ng Maynila na si Joseph “Erap” Estrada. Unang nakilala si Mayor Isko bilang isang matinee idol na nadiskubre ni German Moreno noong 90's.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Tricky Questions: Guess The Teleserye Challenge | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel