Anak ng PWD, naglabas ng saloobin sa staff ng Wowowin na di nagpapasok sa ama

Anak ng PWD, naglabas ng saloobin sa staff ng Wowowin na di nagpapasok sa ama

- Hindi raw pinapasok ang isang PWD sa Wowowin dahil di umano sa kapansanan nito

- Ang anak ng lalaking nagbalak makapasok sa studio ang naglabas ng saloobin niya tungkol sa pangyayari

- Nanliit daw kasi ang ama sa sarili dahil sa dahilan ng di pagpapapasok sa kanya

- Idolo pa naman daw kasi nito si Willi Revillame kaya naman nanlumo ito nang di makapanood ng live sa programa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ang post ng isang anak ukol sa kanyang saloobin sa nangyari sa kanyang ama.

Kinuwento ng netizen na si Antonette Bernaldez ang di umano'y pagpapapasok ng isang staff ng Wowowin sa kanyang ama dahil sa may kapansanan daw ito.

Binahagi ni Antonette ang screenshot ng usapan nilang mag-ama ukol dito.

Mapapansing ang kapansanang tinutukoy sa ama ay ang pagkabulag ng isang mata nito.

Di lamang daw kasi nalungkot ang ama kundi nanliit sa sarili sa tila isang diskriminasyong naranasan sa sikat na programa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nais lamang daw kasi nitong makita ang idolong si Willie Revillame ngunit di na ito naisakatuparan pa.

Pinalakas naman ni Antonette ang ama kahit pa siya ay nakaramdam din ng pagkabagabag sa naranasan nito.

Lumuwas pa kasi ang kanyang tatay at talagang nag-effort makapanood lamang.

Nauwi na lamang sa pamamasyal sa mall ang dapat na panonood ng tatay sa Wowowin.

Narito ang kabuuan ng post:

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Teleserye titles might be tricky. Sometimes we couldn't even imagine to what extent!

Tricky Questions: Guess The Teleserye Challenge | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel