Tinamaan si kuya! Sekyu na iniwan ng GF, handa raw magpaalipin para lang balikan siya

Tinamaan si kuya! Sekyu na iniwan ng GF, handa raw magpaalipin para lang balikan siya

- Humingi na ng tulong ang isang lalaki na iniwan na ng kanyang nobya

- Aminado itong pinagsisilbihan niya ito na kahit ang mga panloob ng nobya ay nagagawa niyang labhan

- Ngunit kahit anong pagmamakaawa sa babae, ayaw na nitong balikan pa ang nobyo

- Nang tila ba'y mahimasmasan ang lalaki, napagtanto nitong naipagpalit na siya ng nobya kaya ayaw na siya nitong balikan pa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dumulog na sa programa ni Raffy Tulfo ang isang security guard na si Ryan Latanafrancia upang humingi ng tulong na makipagbalikan ang nobyang labis niyang mahal.

Kwento ni Ryan, tila "buhay prinsesa" ang OFW na nobyang si Evelyn Pansacala dahil pag sila'y magkasama, pinagsisilbihan niya ito.

Pinagtitimpla niya ito ng kape, pinagluluto at pinaglalaba pa niya ito ng damit maging ang mga panloob nito.

Maging ang mga anak ng babae ay nagagawa niyang suportahan kahit di niya ito mga anak.

Ganoon daw kamahal ni Ryan si Evelyn kaya naman labis itong nagtaka nang bigla na lamang itong nagbago at di na lamang ito nagparamdam.

Nang kapanayamin ni Tulfo ang babae, sinabi nitong ayaw na niya talaga sa nobyo. Aniya, may bisyo raw ito at wala pang ipon.

Dahil dito, nagmakaawa talaga nang husto si Ryan at nais niyang balikan siya ni Evelyn na sobra niyang mahal.

Ngunit di talaga nadala sa maayos na usap ang lahat at nagawa pang babaan ni Evelyn ng telepono ang nobyo habang mangiyakngiyak pa itong nagmamakaawa sa kanya.

Matapos ito, nagawa nang kumbinsihin ni Idol Raffy si Ryan na tanggapin na lamang ang katotohanang di na muling babalik pa ang nobya. Malaki rin daw ang posibilidad na mayroon na itong iba kaya naman ayaw na nitong makipagbalikan pa.

Narito ang kabuuan ng video:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Tricky Questions: Guess The Teleserye Challenge | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel