Janitor sa SM, hinangaan sa pagtulong sa customer na walang kapalit

Janitor sa SM, hinangaan sa pagtulong sa customer na walang kapalit

- Humanga ang isang customer ng SM Lucena sa ginawang pagtulong sa kanya ng janitor roon

- Nagulat siyang kusa na lamang nagpresinta ang lalaki na buhatin ang box na kanyang dala

- Maging ang mga netizens ay napabilib ng janitor dahil sa pagkukusa nitong makatulong at walang hinihinging anumang kapalit

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ang post ng netizen na si Joana Marie Fernandez Veluz tungkol sa di inaasahang pagtulong sa kanya ng isang janitor ng SM City Lucena.

Kwento ni Joana, mayroon siyang dalang mabigat na kahon ng mga pinamili nang maglambing ng donut ang kanyang anak.

Dahil sa nais niya itong pagbigyan, hinila niya pabalik ng mall ang box at doon siya nakita ng janitor.

Nilapitan siya nito at nag-alok ng tulong dahil sa nakitang hirap na si Joana sa paghihila.

Dinala nito ang kahon hanggang sa makarating sila sa bilihan ng donut.

Di manlang daw nakuha ni Joana ang pangalan ng janitor na di agad namang umalis matapos na tulungan ang mag-ina.

Laking pasalamat ng netizen dahil sa pinakitang kabutihan sa kanya ng janitor nang walang hinihinging kapalit.

Maging ang mga netizens ay natuwa sa ginawa ng lalaki. Bibihira na raw kasi ang mga taong nagpapakita ng likas na pagmamalasakit sa kapwa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang orihinal na post:

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Teleserye titles might be tricky. Sometimes we couldn't even imagine to what extent!

Tricky Questions: Guess The Teleserye Challenge | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel